Kumain na muna silang dalawa ng tiyahin sa Mcdo. Chicken, burger at fries ang order ko habang chicken fillet, burger at ice cream naman ang sa tiyahin. Paborito na talaga nilang kumain sa McDonald pati na rin sa Jollibee. Papalit palit lang naman sila ng kinakainan.
Masaya silang nagkwentuhan.
Binalikan nila ang nakaraan nila na kung saan kahit bata pa siya noon naalala pa rin niya kung gaano sila kasaya noon kasama ang mga magulang niya. Kapatid ni mama si tiya Hashmin, bunsong kapatid. Noong panahon na buhay pa ang mga ito malimit na kasama niya sa bahay ang tiyahin na noon ay nag aaral pa. Ang mama at papa niya na ang nagpa aral dito at kasa kasama nila eto lagi, kaya naman habang abala ang mga magulang sa trabaho ang tiyahin ang nag aasikaso at nag alaga sa kanya. Mahal na mahal nila ang isa't isa. Maraming nagsasabi na ang closeness nila ni Tita ay bihira mo na lang makita sa ngayon.
Noong mawala ang mga magulang niya ay talagang grabe ang iyak nila. Alam niya na kung mahina lang ang loob ng tiyahin wala siyang masasandalan noong panahong kailangan niya ng karamay. Pagkalibing ng magulang niya inisip agad ng tiyahin kung paano na sila, ang pag aaral niya at ang pagpapalaki sa akin. Mabuti na lang at talagang masinop at matipid sa pera ang mama at papa niya. Nakita nila noong nag ayos sila ng mga gamit ng mga ito, ang nakatagong passbook sa bangko. Mukhang inipon ng mama at papa niya ng matagal na panahon ang perang nasa passbook. Umabot yun ng isang milyong piso. Nakakuha rin naman sila ng pera mula sa mga insurance na hinulugan ng mga eto noong nabubuhay pa. At binenta na rin nila ang bahay at lupa na tinirhan nila dahil pinag interesan na kunin ng ibang kamag anak nila nang malaman na wala na ang mga magulang niya. Natakot din ang Tita niya na magkahiwalay kami dahil gusto ng kapatid ng papa niya na eto na mag alaga sakin pero ako lang daw dapat at ang Tita ko ay maghanap ng kukupkop sa kanya dahil hindi ito kasama sa kukunin niya. Alam ni Tita na ang mga naiwang pera ng mga magulang ang habol ng Tiyuhin na makuha mula sa kanya. Bata pa naman siya nun at madali lang mauto. Pero nanindigan ang Tita Hashmin na magiging okay kaming dalawa at kaya niya kong alagaan. Meron ang mga magulang naiwang pera na sapat sa kanila ng tiyahin para makapag aral eto at makapag aral din ako. Pero hindi doon umasa ang Tita niya dahil lahat ng pwedeng pagkakitaan ay ginawa na nito. Nagtinda, nag part-time job at kung ano ano pang trabaho ang pinasukan nito. Nakatapos ang tiyahin sa kolehiyo at nagtrabaho agad para maitaguyod rin ang pag aaral ko dahil paubos na rin naman noon ang perang pinagbentahan ng bahay at yung mga nakuha nilang pera sa insurance ng mga magulang niya. Pero ang pera na ipon sa passbook hindi man lang yun ginalaw ng tita niya. Nanatili yun sa bangko at tumutubo taon taon. Sa akin daw yun sabi ni Tita, magagamit ko yun sa pamilya na bubuuin ko. Binigay niya na sakin ang passbook matagal na panahon na. Pero hindi ko rin naman ginagastos. Kahit pa medyo magipit kami ni tita sa pera ay hindi namin yun ginagalaw. Pwera na lang siguro kung kailanganin na talaga.
"Ang saya siguro tita kung buhay pa sila mama at papa, yung kasama natin sila, yung kakwentuhan at kakulitan."malungkot na saad ko.
"Huwag ka ng malungkot pamangkin, alam ko kong nasaan man sila ngayon lagi nila tayong gagabayan at babantayan. Miss na miss ko na ang ate Jasmine ko. Siya yung ate na inalagaan ako at naging ina ko noong bata pa ko. Alam mo naman na maaagang nawala ang lolo at lola mo na mga magulang namin. Kaya kami na lang dalawa ang naging magkaramay tapos parang ang unfair kasi maaga rin silang nawala sa atin."
"Oo nga tita, sana mas mahaba pa ang panahon na nakasama natin sila. Kaya lang wala man tayong magagawa pa dahil yun na siguro ang oras nila."
"Andito lang ako lagi para sayo, magiging masaya tayo at magtutulungan." yinakap siya ng mahigpit ng tiyahin.
"Opo, tapos bigyan mo na rin ako ng pinsan. Gusto ko apat. Dalawang babae at dalawang lalaki. Siguradong ang cucute ng mga magiging chickiting mo Tita..Hahaha."
"Ano ba yan Kashi talagang siningit mo pa yan. Mag hunos dili ka nga. Eto nga at todo emote tayo dito tapos iibahin mo ang topic, at para ka lang humihiling ng candy, alam mo naman na wala akong boyfriend, walang asawa tapos anak ang hinihiling mo." ani nito.
"Hahahaha, kaya nga maghanap na tayo ng boylet mo tita tapos ipost natin "Wanted perfect boyfriend" apply now.'
"Tumigil ka, para kong desperada niyan na maghahanap pa talaga. Sa rami ng manliligaw ko magpopost pa talaga." pairap na sabi nito sa kanya.
"Ikaw naman kasi Tita napaka mapili mo, gwapo naman ang mga manliligaw mo, yun nga lang parang mga hindi mapagkakatiwalaan at may mga gagawing masama kapag nalingat ka, Hahaha, at syempre dapat gusto mo talaga ang lalaki, may love at may chemistry para happy talaga, pero wala atang perfect na lalaki pulos may mga deperensiya. Ay ewan."
"Hindi ko pa talaga nahahanap ang ganoong lalaki, baka hindi pa naipapanganak."
"Kadiri naman tita yung hindi pa naipapanganak, ang tanda mo na nun tapos ang bata pa nang ka destiny mo, baka naligaw lang kaya dapat hanapin natin o kaya naman nasa malayo pa at hindi pa nakakarating rito at parating palang" positibong sabi niya.
"Ay ewan, kung meron talagang para sa akin dadating na lang yun, wag tayong magmadali." nakangiti nitong sabi.
Maya maya lang ay may batang babae na umupo sa bakanteng mesa nila. Mga nasa 3-4 years old ata ito. Bilog ang mata nitong nakatitig sa kanila ni tita. Ang cute nito sobra. Kulay abo ang mata nito at ang chubby ng mukha at katawan. Kaya lang bakit mag-isa ito at walang kasama. Hindi naman umiiyak talagang tinitingnan lang silang dalawa.
"Hey baby, sino ang kasama mo? Nawawala ka ba?" tanong dito ni Tita.
Umiling lang ito. At tinaasan sila ng kilay. Hanep ang suplada ni bagets. Saan ba ang mga magulang nito at hinayaan lang ang bata na magpagala gala rito.
"Gusto mo ba na hanapin natin ang mga kasama mo? tanong niya rito at baka nahihiya lang na magsabi sa kanila.
"I don't need help. I can take care of myself." Englishera ang magandang bata. Sana all. Napatunganga na lang silang dalawa sa harap ng bata.
"I know you, hindi ko lang po maalala kung saan kita nakita." turo nito kay Tita.
"Hala Tita, may tinatago ka bang anak na hindi ko alam. Ang unfair mo Tita, nagtatago ka nang sekreto sakin. Huhuhu." kunwaring pag iyak niya. Pero hindi nadala sa kaartehan niya ang tiyahin at hindi na siya pinansin. Suplada talaga.
"Uhm, baby baka kamukha ko lang ang sinasabi mo, kasi wala akong maalala na nakita na kita."
"Athena, nakung bata ka kung saan saan ka na naman nagpupunta.Lagot ako nito sa Mommy mo." humahangos na lumapit sa kanila ang isang babae na mukhang yaya ng bata.
Inirapan ng bagets ang yaya nito.
"You've spent a lot of time talking to your boyfriend yaya, and not paying attention sa akin." nahihiyang tumingin ang yaya nito sa amin.
"Pasensya na po mga Ma'am sa abala. Salamat po sa pagkausap sa batang eto. Let's go na Athena at uuwi na tayo."
Sumunod naman ang bata sa Yaya niya. Pero bago umalis ay lumapit muna ito sa kanila. Humalik eto sa pisnge ko at niyakap si Tita na ikimangha naming dalawa.
"Nice meeting you po mga beautiful lady sana po magkita pa po tayo soon. Alis na po ako, bye bye." kumaway pa ang batang si Athena sa kanila bago umalis.
"Ang cute ng batang yun. Talaga naman." nakangiting sabi ko.
"Halika na at mamili na tayo ng mga kailangan mo at mag grocery na rin tayo dito para isahan lang ang lakad natin."
"Ok po."
Masaya silang nagtungo sa grocery para mamili.