"Hello po Major, andito ka po pala. Pwede po makahingi ng makakain sa may ref?" malanding tanong nito sa binata. Hindi pa rin siya lumilingon sa mga ito at wala siyang balak na tumingin sa epal na babae. Umirap siya at tinuloy lang ang pagkain. "Sige na Lieutenant kumuha ka na lang sa ref." Hay naku nakaka imbyerna talaga at dito pa sila tumambay kung nasan ako. Hindi naman siya pwedeng basta lang umalis at mag walk out dahil sayang ang kinakain niya. "Wow naman Major, sobrang dami ng chocolates dito sa may ref mo." manghang sabi nito. Ngayon lang din niya naalala na binili pala siya ng binata nang napaka raming chocolates. Pero mas nauna pang kumuha ang impaktang babae. Lalo siyang nawala sa mood. "Kashi, nak, kumuha ka na rin lang ng chocolates sa ref, binili ni - ." "Hindi po ako

