KASHI POV: Sobrang saya niya na nag effort ang binata na kahit gabing gabi na ay talagang bumalik ito sa kanya. Hindi na raw nito kayang mahiwalay sa kanya ng matagal. O hindi ba ang haba ng hair ko?. Hahaha. Sobrang swerte ko sa boyfriend. Maalaga na, magalang at sobrang mahal ako. Syempre sobrang mahal ko rin naman si Alex. Nang makatapos kaming kumain ni Tita Hashmin ay para kaming baboy na hindi na makatayo sa kabusugan kaya ang dalawa na ang nagligpit sa kalat ng pinag kainan namin. Pareho na kaming nakahilata sa sofa at magka yakap. Bahala na ang dalawa na mag ayos. "Kashi, anak, naipagpaalam na sakin ni Alex ang plano niyong dalawa, na magpapakasal muna kayo sa huwes and after a year sa simbahan naman na. Bakit hindi ka nagkwento sakin? Akala ko ba wala tayong sekreto sa isa't-isa

