ALEX POV: Gulat na gulat ang dalawang tauhan niya sa nakitang pagtrato sa kanya nang dalaga. Alam nang mga ito kung gaano siya ka strikto at ka suplado. Maya maya lang ay mukhang manghang mangha ito kay Kashi at agad na ngumisi. Dumikit si Lotus sa dalaga at mukhang may planong magpakampi sa babae. "Hi Madam, I'm Lotus po. Nice to meet you." ngiting ngiti ito. May balak pang makipagkamay sa Baby niya kaya agad niyang pinandilatan nang mata ang tauhan. "Hello Lotus, Kashimira ang pangalan ko. Masaya rin akong makikilala ka at ang isang kasama mo pa. Hi Miss." "Madam, Red po ang pangalan ko." agad itong ngumiti kay Kashi at bumaling sa kanya sabay tinaasan siya ng kilay. Hay naku, mga tsismosa at tsismoso pa naman ang mga kasama niya sa grupo. Sigurado mamaya laman na siya nang chismis

