ALEX POV: Agad na nilang tinapos ni Hercules ang trabaho. Kailangang hindi sila maabutan ng gising ni Kashimira. At alam niyang mag aalala ito nang sobra kapag malaman nitong pinasok sila nang hindi pa niya nakikilalang grupo. Kailangang maibaba na rin nila ang concrete wall na tinaas niya para maprotektahan ang buong bahay at ang mga kasama nila. Mabuti na lang at hindi nagising kahit ang mag asawang katiwala niya dahil mahihirapan siyang mag explain kung ano ang nangyari. Nakita na niya ang walong kasamahan sa elite forces na parating gamit ang speedboat. May dala rin ang mga itong Axopar 45 large size speedboat na gagamitin para isakay ang mga walang malay na mga miyembro nang kung sinong grupo na kalaban nila. Eto na ang mga bahala maglinis ng mga bakas nila rito. Kailangan kinaumaga

