Chapter 4 - Yes! May work na

1305 Words
Nakapasa kami pareho ni Nyxara sa written exam, todo ang pasasalamat ko sa poong maykapala sa biyayang ibinigay niya, may pinahabol pa sa amin na typing exam, dahil na rin sa magaling kami pareho ni Nyx sa typing kaya pasado pa rin kami with flying colors. Kaya naman nag hahanda na kaming dalawa para sa initial interview. Kapag nagustuhan kami ng interviewer ay pasok na kami sa trabaho. "Hay Kashi, I'm so happy talaga, feeling ko ikaw ang swerte ko, nawala lahat ng kaba ko, alam mo naman na introvert ako, pero tumaas ang self confidence ko simula pa kanina na nag kausap tayo" malambing na sabi ni Nyxara sa kanya. "Ngeek, ano kaya yun, magaling ka lang talaga kaya pumasa ka at hindi yun dahil sakin, todo support lang talaga ko sayo at masaya akong susuporta sayo lagi." ani ko sa kanya. "Alam mo ba ngayon lang sa akin may gustong makipagkaibigan? Yung gustong makipagkwentuhan at nagagalingan sa akin, at proud sakin. Lagi kasi nung nag aaral ako na prone ako sa bullying. Ewan ko sa kanila,.weirdo daw ako. Porke ganito ang itsura ko, at laging tahimik." malungkot na kwento nito sa akin." Napatingin ako kay Nyxara, nagtaka na kung bakit nabully ito. Maganda eto kaya naman hindi ko maintindihan kong saan nanggagaling ang pambubully ng mga dating kaklase nito. Unique beauty ang meron siya, kayumangging balat, may katamtamang tangkad, at napakaamo ng kanyang mukha. Yung parang mapapatulala ka talaga sa gandang meron siya. At mararamdaman mo na mabuti at mabait siyang tao kahit hindi mo pa siya totally na kilala. "Alam mo Nyx, ang mga taong mahilig mambully, walang mangyayari sa buhay nila, at mas mabuti na wag mo ng pansinin ang mga yun dahil hindi namn sila makakatulong sa buhay mo, kaya mag focus ka lang sa mga goal mo sa buhay at huwag kang magpapaapekto sa kanila. Ako kasi wala akong pakialam sa iisipin ng iba mas priorty ko ang pamilya ko. At isipin mo na lang na kulang sila sa atensyon kaya naman mahilig sila na makialam sa buhay ng iba. Maganda ka, sa panlabas na anyo at maging sa ugali na meron ka. Ramdam ko kung gaano ka kabuti." nakangiti kong sabi sa kanya. "Hala, na touch ako. Thank you sa sinabi mo Kashi." naiiyak na sabi ni Nyxara. "Sus, ikaw talaga. Wag ka ng maiyak diyan at may interview pa tayo." " Miss Ovlar, please come inside para sa interview mo." tawag sa kanya ni Miss Absalon, siya ang nag aassist sa amin simula pa kanina sa mga exams. "Goodluck Kashi." masayang sabi ni Nyxara sa kanya. Niyakap siya nito nang mahigpit. "Hala, thank you, goodluck rin sayo maya-maya." niyakap niya ang bagong kaibigan bago pumasok kasunod si Miss Absalon. Hired on the spot siya pagkatapos ng interview kaya naman paglabas niya ng kwarto ay agad agad na binalita niya kay Nyx na pasado siya. Sabay silang nagtatatalon sa tuwa. "Frenny, ikaw na ang susunod sa interview. Galingan mo. Andito lang ako para sayo." pagpapalakas niya ng loob rito. "Ok, hintayin mo ko diyan." Walang pagsidlan ang tuwa na nararamdaman niya ngayon.Sa wakas may trabaho na siya at makakatulong na siya financially sa tiyahin. Umupo lang siya sa lounge at relax na ang pakiramdam niya. Naghanap siya sa cellphone niya nang mapakikinggang tugtog. At buti na lang pala at na save niya ang mga inspirational songs na gusto niya. Maya maya lang ay lumapit na sa kanya si Nyxara. "Kashi, pumasa rin ako. Magiging magkatrabaho tayo dito, tuloy tuloy ang friendship natin na walang iwanan forever and ever." tuwang-tuwa na yumakap sa kanya ang kaibigan. Halos maluha luha rin ito sa saya. Nagyakapan silang dalawa at nag iyakan. Ramdam nilang pareho ang saya na may trabaho na at alam nilang pareho na habang buhay na ang pagiging magkaibigan nila. Tuloy na tuloy talags ang plano nila na ipakilala si Nyxara sa best friend at sa Tita niya. "Nahirapan ka ba sa interview mo?" "Noong una aminado ako na nag buckle ako, alam mo ba yung kaba ko grabe Kashi, parang nag hyperventilate ako sa harap ng mga interviewer, kaya sabi nila mag relax lang daw ako. Dahil pag inunahan daw nang kaba ay sigurado na mamemental block ako at wala akong maisasagot sa kanila. Pinainom na rin muna nila ko ng tubig. Inisip ko kanina ang pamilya ko na kailangan kong tulungan at yung mga advice mo sakin. Kaya lumakas ang loob ko at nairaos ko na ang interview." mahaba at masaya nitong kwento sa kanya. "Sabi ko na makakaya mo yan. Lahat naman ng bagay ay maayos rin naman kapag sinamahan mo ng dasal at pananalig sa Diyos." "Oo nga, salamat talaga Kashi at dumating ka sa buhay ko." "Wala yun." Masaya pa rin kaming nag uusap ni Nyxara nang hindi sinasadyang nabangga siya ng isang lalaking nag mamadaling maglakad. Muntik na itong matumba buti na lang at nasalo naman agad nang lalaki. Nanlaki ang mga mata nang dalawa at nagkatitigan. Naks, magkaka lovelife ata ang bago niyang friend dito mismo sa kompanya. Agad naman na naitayo nang lalaki si Nyx ng mahalata siguro nito na napatitig ito ng matagal sa dalaga.Gwapo ang lalaki, matangkad, at maganda ang hulma ng katawan. Hindi niya alam kung empleyado na ito rito o may pupuntahan lang. Hindi rin naman kasi ito nakasuot ng uniporme dito. Rugged ang suot nito. "I'm sorry Miss, hindi ko sinasadyang mabangga ka, okay ka lang ba? Nasaktan ba kita?" sunod-sunod na tanong nito. "Okay lang po ako. Pwede mo na kong bitawan." kimi nitong sabi sa lalaki. Agad namang tinanggal nito ang pagkakahawak kay Nyx, nahiya rin ata sa dalaga. "Sorry ulit, I need to go. Nice meeting you Miss kahit medyo hindi nice ang pagkaka kilala natin. Uhm. Bye." tumalikod na ito at mabilis na tumalilis. Agad na nilapitan niya ang dalaga. "Okay ka lang ba Nyx? May masakit ba? agarang tanong niya rito. "Okay lang ako Kash, nabigla lang ako kanina, akala ko babagsak na ko sa sahig. Ano lang ba naman ang katawan ko sa laki nung katawan nung lalaki kanina." "Pero in fairness may chemistry kayo lalo na nung nasalo ka niya. Nakakakilig para kayong nasa pelikula. Hahaha." Namula ito sa hiya dahil sa pangbubuska niya. "Eh naman kasi. Napatulala nga ako. Grabe Kash ang gwapo sa malapitan, parang matinee idol. Unang beses ko makakita nang ganun ka gwapo. Parang may lahi ata yun. Iba ang kulay ng mata. Basta." "Dalaga ka na Nyx, crush mo ata yun." pangangantiyaw niya rito. "Hindi ko naman na ata yun makikita pa, kasi parang hindi naman yun nag tatrabaho rito. Parang may dinalaw lang or something. Baka may girlfriend na rin at dinalaw lang niya rito. Alam mo naman na ang gaganda ng mga nagtatrabaho rito, parang pagandahan ata ang peg ng mga babaeng empleyado rito. Parang OP ako rito, Kash, sa hitsura pa lang wala na kong laban." problemadong sabi nito sa kanya. "Hoy bakit ka maoout of place rito na ang ganda ganda mo kaya. Gandang mapapatingin ang kahit na sino. Gaya na lang kanina kay Kuyang Pogi. Tulaley sayo. Kinilig talaga ko sa inyo. Para kayong nasa pelikula kanina. Nagtitigan sa isa't isa at nagkahiyaan pa. Naks. Gusto ko rin nang ganun Nyx." ungot niya rito. "Hala siya, kakabasa mo yan ng mga pocketbooks. Mahilig kang magbasa, no Kashi?" "Hahaha, tumpak. Mahilig akong magbasa ng iba't ibang klase ng libro. Kaya alam kong may something talaga sa inyo kanina." patuloy pa niyang pangangantiyaw rito. Pulang pula na ang pisnge nito at hindi na makatingin sa kanya ng tuwid. "Naman Kashi, pasaway ka. Huwag na nga nating pag usapan pa yun." "Sige na nga titigil na ko at baka magtampo ka pa sakin. Ayoko na may tampo sakin ang mga mahahalagang tao sa buhay ko. Gusto ko laging masaya lang at nagmamahalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD