Pagkapasok sa kwarto ng Tita niya ay parang gustong gusto niyang mambugbog. Nagiging bayolente tuloy siya. "Naku talaga, nanggigil talaga ako sayo Major." mahinang sabi niya. Ayaw niyang mawala ang composure at nasa paligid lang ang Tita niya. Nakasimangot siya at naupo sa kama. Binagsak niya ang katawan pahiga. Lumingon sa kanya ang tiyahin at nakatingin lang sa kanya ng mataman. Tiningnan niya rin ito at matipid na ngumiti. "May nangyari ba sa baba, Kashi?" malumanay na tanong nito sa kanya. "Wala naman po Tita. Uhm, nagugutom ka na po ba? Kukuha ako ng pagkain sa baba at dalhin ko na lang po rito sa kwarto." pag iiba niya nang usapan. Ayaw niyang ma stress ito sa mga kagagahan niya lalo na at nagpapagaling pa ito mula sa natamong sugat. "Okay pa naman ako. Huwag mo kong intindihin.

