ALEX POV: Nang tumawag si Hashmin kay Hercules na pumunta raw sila agad sa kwarto kung nasaan si Red ay pareho silang kabado, kaya dali dali silang pumuntang tatlo doon. Pagbukas nang pinto ay agad silang napatigil nang makita ang isang lalaki na nakasuot ng pang doctor na damit at nakadapa sa sahig. May tali sa kamay at paa nito. Hindi rin ito kumikilos, hindi niya alam kung buhay ba o nakatulog lang. Nalaman nila sa mga babae na bigla raw itong pumasok at nagtangkang turukan nang kung ano ang tulog na si Red. Nakita rin nila sa sahig ang syringe na may lamang likido na kaagad na kinuha ni Sentinel at nilagay sa evidence bag, ipapatest nila ito para malaman kong ano ang likidong nasa loob nito. Talagang hindi tumitigil ang mga grupo na kalaban namin, parang mas dumadami pa sila. At ang m

