Masigla niyang hinanda ang dinner nila. Nagluto siya nang kaldereta at fried chicken para sa ulam nila. Gumawa rin siya nang mango tapioca para sa dessert nila. Nakapag salang na rin ng sinaing si Nanay Cely. Naayos na nila lahat na mga pinamili sa grocery. Ang sarap sa pakiramdam na puno ang pantry at alam mo na sobra sobra ang pagkain niyo. Nagpahinga muna siya sa sala pagkatapos niyang magluto. Hindi pa luto ang kanin kaya naman pwede muna siyang magrelax. Binuksan niya ang TV at nanood nang movie sa Netflix. Mga alas-siyete pwede na silang mag hapunan. Ipapatawag na lang niya ang mga kasama sa mga kwarto nito, mukhang napasarap ang tulog nila dahil na rin siguro sa tahimik ang lugar at may maaliwalas na paligid. Mamaya pagkatapos na kumain ay lalabas muna siya at maglalakad lakad sa

