Galit na galit pa rin eto. At makikita kahit nino sa madilim at matalim na pagtingin nito sa mga tao sa presinto. Nakakatakot talaga ang binatang magalit. "Hey, stop it. Okay lang ako. Natatakot na ko sayo." malungkot at mahinang sabi niya. Mabilis na tumingin eto sa kanya at bahagyang lumambot ang aura. "Pumasok na tayo sa opisina ko." mahinahon na rin na sabi nito. "Ayusin niyo na ang mga problema rito. Back to work guys." striktong sabi nito sa mga kasama. "Yes, Major, hindi na po mauulit to. And Madam pasensiya na po sa nangyari. Sorry po." nakatungong sabi sa kanila ni SP01 Facundo. "Okay lang po yun. Pasensiya na rin po." tipid na nginitian niya eto. Seryoso pa rin ang mukha ni Alex. Kaya naman malambing niyang nginitian ang binata. At inaya na sa loob ng opisina nito. Pagkasa

