Nang matapos kumain ay agad niyang sinabihan si Tito Hercules na kung pwedeng buhatin niya si Tita sa taas kung nasaan ang kwarto nito. Agad naman itong pumayag. Sasamahan niya ang dalawa sa taas pero bago sumunod sa mga ito ay binalingan muna niya si Alex. "Boo, diyan ka lang muna at aasikasuhin ko muna si Tita sa taas, okay?"sabi niya rito. "Sige na baby, okay lang ako rito. Iligpit ko na ba lahat nang pinag kainan natin?" agarang tanong nito sa kanya. "Naku, huwag na. Ako na lang ang bahala diyan pagbaba ko. Mag relax ka na lang muna diyan at kung gusto mo may dessert pa, kumain ka pa." mahinahong sabi pa niya. "Bantayan ko lang muna rito hanggang matapos ka may kakausapin na muna ako." "Okay Boo, thank you. Babalik ako agad." agad na sabi niya rito. Sumunod na siya sa dalawa sa t

