Pagkakuha ng hinandang sandwich ng tiyahin at tatlong sandwiches talaga ang hinanda nito, mukhang PG talaga siya nito, ay umalis na rin ng bahay si Kashimira. Kailangan na talaga niyang magmadali dahil baka ma late na siya sa interview niya. Sayang naman ang paghahanda niya nang maaga kanina kung hindi rin naman siya aabot doon.
Nag apply siya bilang executive secretary sa "Sterlington Manufacturing Company", isa ito sa kilalang kompanya sa bansa na pangarap ng mga katulad niya na mapasok at makapagtrabaho rito, pahirapan daw ang pag apply rito at bihira lang silang mag hire ng mga bagong empleyado. Ibig sabihin lang nun ay walang umaalis na trabahante at tumatanda sila sa kompanyang yun. Kung matanggap man siya as executive secretary, sigurado na may dahilan ang papalitan niya kung bakit kailangang umalis sa trabaho. Sana talaga ay
palarin siya at makapasa sa written exam at initial interview.
Nakapagtrabaho naman na siya sa mga factories, naging call center agent din siya, naging assistant ng isang business woman at sa isang law firm, bilang clerk kaya naman she can do office work at gamay na gamay na niya ang trabaho na related dito.
Mahirap ang buhay, kailangan na niyang magpursige para makatulong sa tiyahin at para may pambayad siya sa mga parcel na kinahihiligan niya ngayon. Mahilig siya sa mga pampaganda at fashionista ang peg niya, kaya naman order siya ng order. At pikon na pikon na ang magandang tiyahin niya dahil araw araw ang parcel na dumadating sa bahay nila. Sobrang dami ng mga gastusin na meron siya at ayaw niya naman na ihingi pa ang pambayad sa mga gusto niya sa tiyahin. Grabe na nga ang gastos nito sa pagkain nila, bills at iba pa.
"Oy Kashi, saan ang punta mo beshy ko?Nagmamadali ka ata."
Humarang sa daanan niya ang beshywap niya na si Amadrya. Mukhang wala siyang kawala rito at walang choice kung hindi kausapin to. Kaya pa naman ng oras niya na bigyan eto ng atensyon. Ito na ang naging frenny niya sa lugar nila simula nung lumipat sila rito. Magkasama sila sa galaan, asaran, lahat ng kalokohan talaga namang kinareer na nila. Minsan nga mahilig silang mang trip ng mga kabarkada din nila.
Si Amadrya ay kaedad rin niya. Nagkakahera eto sa restaurant ng tiyuhin nito sa labasan ng lugar nila. Mas ginusto nitong tumulong sa Tiyuhin na may negosyo kesa mamasukan. Kaya marami ang oras nito para mag relax. Maganda eto, matangkad, maputi at chinita ang mata. Lahat ng nakakakita sa aming dalawa pag magkasama kami ay talaga namang mapapalingon. Kalog rin eto katulad niya at may pagka chismosa. Alam nito lahat ng tsismis sa lugar nila, at talaga namang pupuntahan siya sa bahay nila para ikwento ang mga nasagap na tsismis sa mga kapitbahay. Malapit rin eto sa tiyahin niya at tuwang tuwa eto kay Amadrya dahil sa mga kalokohan nito at mahilig na magpatawa. Mukhang mas paborito nga nito si Drya kesa sa kanya. Hahaha.
"Naku, wag ngayon Drya, saka na tayo mag kwentuhan at alam ko na marami ka na namang ikekwento sa akin, pero sorry beshy may interview ako sa Makati pa. Malalate ako frenny, pasensiya na talaga. Pupuntahan kita mamaya sa bahay niyo, promise. At ikekwento ko lahat nang mga nangyari sa akin. Okay ba?" agarang sabi niya rito.
"Nubayan. Sige na nga, at baka maging kasalanan ko pa pag na late ka, mag ingat ka sa biyahe, yang mga gamit mo hawakan mo ng maigi at marami pa namang snatcher diyan sa tabi-tabi." paalala nito sa kanya.
"Thank you frenny, babye na. Labyou, mag iingat ako sigurado yan." ngumiti siya rito at kumaway na.
Naglakad na siya papunta sa sakayan.
Buti na lang talaga at paalis na rin naman ang jeep nung dumating siya. Nakinig na lang siya sa kanta sa radyo ng jeep. Hindi na niya pinansin pa ang mga nagrereklamong pasahero dahil sa siksikan at patuloy na pagpapasakay ng driver. At ang paborito kong kanta ang pinapatugtog.
"Dance with my father again" ang kantang nakakapa antig sa puso niya. Kantang inaalay ko sa papa ko. Pag naririnig ko ang kantang yan ay naaalala ko lahat ng tawanan, kwentuhan, at bonding namin nang papa at mama ko. Pinakita nila sakin noon ang pag aaruga at pagmamahal na walang kapantay at walang kapalit. Ang mga magulang pala talaga natin ang ating sandigan at lakas. Noong araw na maaksidente ang mga magulang ay dapat kasama ng mga ito si Tita Hashmin, pero siguro paraan na yun ng Diyos na hindi ito nakasama noon dahil sa biglaang nilagnat. Kaya naman nag stay na lang ito sa bahay kasama ko. Hindi pa rin talaga ko pinabayaan ng Diyos at binigyan niya pa rin ako ng taong magmamahal at mag aalaga sakin.
Nalulungkot pa rin talaga siya pag napapakinggan ang kantang paborito niya. Naalala niya ang papa niya. Mahal na mahal siya nito at lahat ng gusto niya ay agad agad na ibinibigay nito. Naaalala pa niya na tinitirintas nito ang buhok niya at pag natapos na sa trabaho nito ay makikipaglaro ito sa kanya. Miss na miss na niya ang papa niya. Kung pwede lang maibalik ang nakaraan noong buhay pa ang mga magulang niya, ginawa na niya. Gusto pa niyang makasama ang mga ito, yung uuwi siya sa bahay na masaya siyang sasalubungin ng mga ito. Yung magtatrabaho siya para maibigay lahat ng mga gusto ng mga magulang at tiyahin. At nakakalungkot lang na wala siyang naging kapatid. Ang saya sana na may kaasaran siya o kaya may aalaskahin siyang kapatid. Haist kaya lang okay na. Tanggap ko na. Iyon siguro ang gusto nang Diyos na kapalaran ko.
Biglang napakunot ang noo ko sa pagmumuni muni nang mapansin ko ang babae na nasa harap, may hawak itong anak at parang balisa. Habang ang bata ay pumapalahaw ng iyak. Nagrereklamo ang mga kasama sa loob ng jeep, at sinasabihan ang babae na patahanin ang bata at nakakaistorbo. Dahil sa likas na mahilig sa bata at maawain, ay sumabat na siya sa usapan.
"Ate, okay lang po ba kayo? Baka po nagugutom ang bata." mahinahon na tanong niya rito. Hiyang hiya ito sa mga tao na kasama nila.
Hindi na ito makaimik dahil sa patuloy lang sa pag iyak ang batang kasama. Nilabas niya sa bag ang isang sandwich na pinadala sa kanya ng tiyahin. Buti na lang pala at marami rami ang baon kong sandwich at may maiishare ako sa bata. At kumuha rin siya nang isang chocolate bar. Maraming pagkain kasi talaga sa bag niya tuwing aalis ng bahay. Kung ano ano lang, chocolates, crackers, mamon, candies, marshmallows, etc. Para kapag nakasalubong ang mga inaanak sa kanila at hihingi ng pagkain sa kanya ay may maibibigay siya. Worth it naman ang pagdala niya ng kung ano ano at may maibibigay siya sa batang kaharap na patuloy pa ring umiiyak. Saka medyo may pagkamatakaw daw talaga ko. Malakas akong kumain kaya lagi akong nasisita ng tiyahin na kaing panlalaki raw ako.
"Eto po ate, sandwich at chocolate ipakain mo sa kanya baka nagugutom lang, sandwich muna ang ipakain mo, mamaya na lang ang chocolate." abot niya rito ng mga pagkain. May pag aalinlangan pa ito pero kinuha na rin dahil hindi talaga tumitigil ang bata sa pag iyak.
"Salamat miss." ani nito.
"Walang anuman po. Maliit na bagay." masarap sa pakiramdam na makatulong sa iba kahit sa maliit na bagay lang.
Nang makita ng bata ang pagkain ay agad nitong kinain ang sandwich habang hawak ang chocolate bar at tumigil na rin ito sa kaiiyak. Napangiti na lang na pinagmasdan niya ito. Napakainosente talaga ng mga batang katulad nito. Ang sarap maging bata, yung walang iniisip na problema. Sarap na sarap ang bata sa kinakain nito, kaya naman masuyo itong niyakap at hinalikan nang ina nito. Tumingin ito sa kanya at ngumiti. Ngumiti rin siya pabalik rito.