Warning SPG Nang magkaroon ng libreng oras ay bumyahe kami ni River papuntang France. Iniwanan lang ulit namin sila Nyll at ang tatlong kakambal nito sa mga Lolo at Lola nila. Hindi naman sila pababayaan roon. Natatawa pa ako kay Zia nang ikuwento kong magpa-France kami ni River. Gusto niya daw sumama para makagala sa mga Historical Places roon. Pero naalala niya na magiging chaperon at panira lamang siya ng moment samin kaya hindi na siya sumama. Sa susunod nalang daw kami magtravel. Nang makarating sa France ay nagcheck in lang kami sa Private suite ni River sakanilang Condominium doon. Hindi na kami nag abala pang magpunta sa Mansion nila dahil masyadong malayo sa mga gagalaan namin. Pagdating namin sa France ay minabuti naming libutin lahat ng Historical Places. Dati rati lamang ay s

