Naging abala lamang ako sa aking sinusulat na libro sa Dreame at w*****d. Nakahinga nako ng maluwag ngayon dahil wala na kaming masyadong ginagawa. Tanging mga taga Student Council lamang ang nanatiling abala. Hindi rin ako ginugulo ng masungit kong amo. Dahil busy siya kasama ang kanyang mga ka-opisyales sa Student Government. Binibisita naman ako ni Zia rito sa Dorm namin kapag nakakasingit siya at may kukunin sakanyang silid. Mahaba na rin ang nauupdate ko sa Stary Writing Apps. Kaya pagtapos nito ay magliliwaliw muna ako. Manonood lang ako ng mga movie o di kaya naman ay Korean Drama na madalas kong panoorin noon. Kinamusta ko na rin ang aking mga magulang kanina. Ang sabi nila Mama at Papa marami rin silang inaasikaso lalo na si Papa. Sunod-sunod ang project niya sa KR Corporations.

