Zeus Point Of View Nagbabasa lang ako ng libro dito sa library nang mapansin ko ang janitor na si Kahlil. Napakamisteryoso niya. At di ko alam kung bakit ilag ako sakanya. "Ang galing mong magpanggap."sabi nito nang makalapit siya. Ano ba ang alam niya? "magpanggap? Nahihibang kana talaga. Inosente ako. Saka umalis ka nga dito."pagtataboy ko. Ngumisi lang siya. Umiinit ang dugo ko kapag nakikita ko ito. Gusto ko siyang bigwasan. "aabangan ko ang araw na magtutuos tayo."sabi pa nito at umalis na. Ano bang pinagsasabi niya? Lakas tama amputs. Hindi ko naman siya kilala. Kung ano ano nalang ang lumalabas sa bibig ng wirdong iyon. Kabadtrip. "Hoy! Tulala ka dyan. Wag mo sabihing may bago ka nanamang trip? Ang matulog ng nakamulat."tumawa ng tumawa si Zia. Sinamaan ko lang siya ng tingi

