8
Pinagsawa ni Sandford ang sarili sa pagtitig sa mukha ng taong noo'y sa litrato niya lamang nakikita. Ngayon, may nag-iba man ng kaunti kaysa sa bata nitong mukha sa litrato, walang duda, ito nga ang taong hindi na nawala pa sa kaniyang puso at isipan. Ang taong matagal na niyang gustong makita at makilala. Ang taong matagal na niyang kinanabikan. Ang kaniyang Farazzi.
He stared on every details on Fara's face. From his long silky black hair, makinis nitong mukha, matalim pero napakaganda nitong mga mata, small but pointed nose and his rosy thin lips. Napalunok si Sandford at tumagal ang titig niya sa labi nito.
I wonder how it tastes. Oh, Meu amor. (Oh, my love)
Natinag lang si Sandford nang narinig niyang tumikhim ang kaniyang mga kapatid. Napabalik ang titig niya sa mga mata ni Fara na noo'y namumula ang mga pisngi na nag-iwas ng tingin sa kaniya. Ghost of smile escape his lips when he thought how cute his flushed face is.
"You are not a woman, but a man? All of you prepare for a disguise that's it?" seryosong ani ng Duke ng magkatinginan sila ni Fara.
"See? I was right, he is a he not a she." ani ni Sebastian na wala namang pumansin. "But he's really perfect for a woman disguise though." habol pa nito.
Inis na tumingin si Sandford sa sariling kapatid. Nagkibit balikat lang ito sa kaniya bago ngumisi.
"Let them go now." dinig niyang ani ni Farazzi at nakita niya itong nakikipagtitigan sa Duke.
His older brother heaves a heavy sigh at isinenyas na ibigay na ang betang Samurai sa mga magulang nito. Agad namang sumunod ang mga kawal nila at mabilis na dumalo ang mag-asawang Shinuzuke para yakapin ang kanilang anak. Pumalinlang sa paligid ang iyak ng ina ng Samurai dahil sa nakitang panghihina ng anak. Isang matalim na titig naman ang ipinukol ng tatay nito sa kaniyang nakakatandang kapatid. Umiwas lang ng tingin ang Duke at pagkuway mabilis na bumaba sa trono nito at inaya na ang sariling royal servant dahil nais na raw nitong magpahinga.
"Tita Sam, Tito Ken, patawad po at nangyari iyan kay Samarah." dinig niyang hingi ng paumanhin ni Fara at ng bumaling siya dito ay nasa harap na ito ng mag pamilya.
Marahan siyang naglakad palapit dito, sa tabi nito. Pinagkatitigan niya lang ito dahil hindi pa rin siya makapaniwala na naandito na ito ngayon sa harapan niya. He don't want to waste anymore time, he want to spoil himself just staring at him.
"Farazzi anak, sigurado ka na ba sa desisyon mong ito?" ani ng Tita nito at habag na tumitig sa pamangkin.
Nakita niya sa gilid ng kaniyang mata na tinignan siya ng Tita nito, pero hindi siya nag-atubiling lumingon. Nanatili lang siyang nakatitig kay Farazzi.
Oh, I want to hold you right now. You're so beautiful, Meu amor. (My love) ani niya sa kaniyang isipan habang pinagkatitigan ang labi nito na bumubuka sara habang nagsasalita sa harap ng Tita nito.
He don't want to waste anymore time. Nais na niyang mahawakan ang kaniyang sinisinta.
"Magiging ayos lang ako Tita, just tell Papa and Dada na kasama niyo na ako at nasa ayos na lagay." ani ni Farazzi sa kaniyang Tita.
Magpoprotesta pa sana ito, ngunit pinigilan na ito ng kaniyang Tito.
"Fara, ijo. Nagtitiwala ako sa iyo. Salamat at iniligtas mo ang iyong pinsan. Huwag kang mag-aalala, gagawa ako ng paraan para makalabas ka dito." ani nito sa mababang tinig, hindi hinahayaan na marinig sila ng mga nasa paligid.
Sasagot na sana siya sa kaniyang Tito ng pasasalamat, pero naramdaman niya ang dalawang braso na pumaikot sa kaniyang bewang at ang mainit na hininga na tumama sa kaniyang leeg. Fara stiffened. Nanigas siya sa sariling kinatatayuan. Tumayo ang balahibo niya sa kaniyang batok when he felt the man behind him gave a light kiss on his neck.
"Meu amor." bulong nito sa kaniya, baritono ang boses nito, nakakapanindig balahibo. "Let's go now, aren't you tired already " malambing nitong ani na nakapagbigay sa kaniya ng hindi magandang pakiramdam.
What's wrong with this guy? He is this cool around me samantalang ngayon lang kami nagkakilala! I hate personality like this, urgh. And how the hell did he even knew me? Inis niyang ani sa kaniyang isipan.
Sinubukan niyang kumalas sa pagkakayakap nito na napagtagumpayan naman niya. Nahihiya siyang napatingin sa Tito at Tita niya, pero nakita lang niya ang mga ito na tila naiinis na nakatitig kay Sandford.
"Hoy, kailangan niyo ng umalis." ani ng pinakapinuno ng mga kawal na kung sa pagkakatanda niya ay nangangalang Aizen Braken.
"Young master." umiiyak na yumakap ang Beta niya sa kaniya at napangiti naman siyang humaplos sa buhok nito.
"You did well on protecting me, Sam. Let me protect you this time." ani nito sa kaniyang pinsan na simula pagka bata ay kasama na niya.
"Ililigtas ka namin, pangako iyan pinsan." natigilan siya sa pagtawag nitong pinsan sa kaniya at gayun na lang ang kaniyang galak.
The last time they call each other that ay noong musmos pa sila at hindi pa niya ito opisyal na Beta. Namiss niya rin iyon.
Ilang paalaman pa ang nangyari bago iginiya ng mga kawal ang magpamilya palabas ng mansiyon.
"Ah!" napasigaw na lang si Fara ng umangat ang mga paa niya sa lupa at may matipunong braso na bumuhat sa kaniya, buhat prinsesa pa.
He heard everyone around gasp at hindi niya maiwasang mahiya. Tumingala siya kay Sandford De Blanc para sana bulyawan ito, pero ng makita niya ang labis na kasiyahan sa mga mata ng binata, Fara's mouth was forced to shut.
"M-meu senhor." (My lord) lumapit ang isang lalaki na naka butler suit sa tabi ni Ford at nakita niya ang dagling pagtalim ng titig nito sa kaniya bago ang malumanay na titig sa amo nito.
Fara's eyebrow raised and he even teased the guy ng ipinalibot niya ang mga braso sa leeg ng Earl. The servant looked shocked upon seeing that and he just smirked on him. Lumalabas talaga ang pagkasuplada at pagkaisip bata ni Farazzi kapag ganiyan na nakikita niyang may naiinis sa kaniya. Bukod sa matabil niyang dila, he also enjoy seeing people looked pissed and that is his pleasure.
"Prepare a robe for my Farazzi, Yuriel. Bring it to my chamber." ani ni Ford na ikinabitaw niya sa leeg nito.
My Farazzi? Uminit yata ang pisngi niya sa halong hiya at inis dahil sa sinambit nito. Ano ba ang naiisip ng lalaki na ito at kung umasta ay magkasintahan sila?
"How did you know me?" tanong niya dito ng magsimula na itong maglakad at magtungo sa hindi niya alam kung saan siya nito dadalhin.
Since pagod na rin siya at tinatamad na rin naman siya maglakad, and since the guy is kind enough para buhatin siya, sinagad na lang din niya ang magandang oportunidad na iyon. Naisip nga niya na parang ang Earl pa ang alipin samantalang siya ang bihag dito. Nagdala iyon ng galak sa kaniya at naisip na why not kung gamitin niya ang tila attachment nito sa kaniya para makaalis siya dito? Hindi ba?
Bumaba ang tingin nito sa kaniya at nakita niyang napatingin ito sa may parte ng hita niya at bahagyang umawang pa ang labi nito. Doon niya naalala ang expose niyang balat doon at dahil din doon, isang pilyong ideya ang pumasok sa isipan niya.
Ginalaw niya ng bahagya ang kaniyang hita dahilan para mas lumabas ang balat niya doon. Nakita niya kung paano umigting ang panga nito kung kaya na satisfy siya. Fara likes Ford's attracted expression. Hindi niya mawari, pero tuwang tuwa siya doon.
How cute…
Bumalik ang titig nito sa kaniya at nawala ang ngisi niya ng may makitang kakaiba sa mga mata nito. Bumilis ang paghinga ni Ford at sa isang iglap ay naglabas ito ng mabigat na pheromones na labis na nakapag apekto sa kaniya.
It was so sweet, rough, and intoxicating that he felt his head became foggy. Uminit bigla ang katawan niya at nahirapan siyang huminga. And yes, it is the dominating pheromones of an Alpha and above of all,
his mate.