10 Samantala... "Himala at naisipan mong dumalaw sa lugar na tinalikuran mo na, magaling kong anak?" ani ni Fargo Monterro, ang ama ni Fairo at lolo ni Farazzi. He is known as being sadistic, rootless, at walang sinasanto bilang isa sa mga pinuno sa isa sa mga clan na kinabibilangan ng mga Rouge. Ang Dawn pack na hawak niya kung saan si Fairo sana ang magiging tagapagmana ay nananatili pa ring makapangyarihan sa pamumuno niya. Iyon lang, dahil sa pagtalikod ng sarili niyang anak para sa minamahal nito, namuo ang muhi at inis ni Fargo sa sariling kadugo. "Papa, please spare my son's life. Please spare our Farazzi. Hayaan niyo na lang siya. I am willing to take the leadership basta hayaang niyo lang na mamuhay ng maayos ang anak namin ni Rafa." Nagpantig ang tenga ng matandang Monterr

