22 Halos maupo na sa lupa dahil sa hingal ang Beta ni Fara na si Samarah dahil sa taong kaharap niya ngayon. She sure underestimated the Beta of Fara's grandfather. Kanina, noong lumusob sila sa kuta ng mga Rouge kung saan namamalagi ang lolo ni Fara, naiwan siya sa labas para kalabanin ang nagbabantay doon na Beta ni Fargo Monterro. Pinili ni Sam na magpaiwan at siya na lang ang kumalaban dito para makapasok sila Fara sa loob. Sa una, ayaw siyang iwan ni Fara, kaso sinabi niya na baka mamatay na sila Ford sa loob bago pa sila makalusob kaya napapayag niya rin ito. Sapat na sa kaniya ang pag-aalala ni Fara para sa kaniya, kahit alam naman nito na may katigasan din ang ulo niya. "Ano Shinuzuke? Iyan lang ba ang kaya mo?" patuyang ani nang kalaban niya habang diretso pa rin ang tindig sa h

