Chapter 12 °Braze° How much will it cost to make you forget someone? Gaano kahirap ba ang burahin ang Isang tao sa alaala mo? Meroon bang machine na pwedeng gamitin para burahin ang Isang tao sa buhay mo? Kaya ko bang gawin yon? Ka-kasi kung Oo...hindi ako magdadalawang Isip na gawin yon. Sobrang sakit kasi, Hindi ko maexplain kung gaano kasakit na makita mo yung lalaking mahal mo na meroong kahalikan iba. Hindi ko magawang maniwala, Hindi ko magawang ipalis yung imaheng may iba siyang kasamang babae. Buong gabi akong umiyak, Buong araw akong lutang at wala sa sarili. Pakiramdam ko ay muli nanaman akong bumalik sa dating ako. Yung babae na naka kulong sa lungkot at pait ng buhay. Pagak akong napatawa sabay himas sa aking tiyan. Ka-Kasalanan ko bang naniwala agad ako kay gan?

