Present ISANG linggo nang nagkukulong si Phillip sa isa sa mga pagmamay-ari niyang condo unit simula nang tuluyan ng mawala si Aurora. Sinabihan niya ang sekretarya niya sa opisina na hindi siya mag-e-entertain ng kahit anong business related matter kaya sa buong isang linggo ay wala siyang natatanggap na tawag o text man lang sa kahit kanino. Wala siyang maituturing na kaibigan kaya hindi siya nag-e-expect ng kahit anong tawag sa mga ito para i-console siya sa pagkawala ni Aurora. Matagal na rin namatay ang mga kamag-anak niya. At kahit pa ganoon, hindi na nag-e-expect si Phillip na iko-console siya ng mga ito. Hindi gusto ng kanyang ina si Aurora. Three years ago ay namatay ang kanyang Lolo sa atake ng puso. Halos magkasunod lang na namatay ito at ang kanyang Mama na namata

