"DYLAN, gusto kong pumunta sa riding school," pangungulit ni Aurora sa lalaki na bukod sa pagiging instant prince charming niya ay siya namang naging private nurse na rin niya. Dahil nandoon naman ito, nagresume na muli sa pagtatrabaho ang kanyang mga Tita. Ilang araw na rin naman ang nakalilipas simula nang makabalik siya sa bahay at malakas na siyang maituturing. At ngayon ay binigyan na rin siya ng permiso ng mga Tita niya na puwede siyang lumabas. Hindi naman naapektuhan ang kahit anong parte ng katawan niya bukod sa utak ay wala namang diperensya ang paa niya. Nakakapaglakad siya nang maayos at puwedeng-puwede na rin siyang tumakbo kaya puwede na rin siyang gumala. She was good as new except for her brain. Nakaka-frustrate man na isipin na pinagkait na nga ang pitong taon

