HINDI maintindihan ni Aurora kung bakit hindi pa rin nawawala ang pagbilis ng t***k ng puso niya kapag nagkikita sila ni Phillip. Dahil nag-aaral si Dylan sa riding school na pagmamay-ari nito ay araw-araw niya itong nakikita. Sa tuwina ay hindi pa rin siya mapakali kahit na ba ilang beses na rin silang nagkakalapit. Madalas kasi ay sinasabayan sila nitong mag-lunch at madalas rin na kinakausap sila, lalo na siya. Para bang gusto nitong mapalapit sa kanya. Gusto rin naman niya iyon dahil crush niya ito. Napapansin rin niyang binibigyan sila ng tsansa ni Dylan na lalo pang magkalapit. Alam niyang mali pero madalas na nagpapasalamat sa isip si Aurora rito. Ang sarap kasi ng pakiramdam niya habang kasama ito. Hindi niya alam kung dahil ba sa nalaman niyang totoong pangalan nito ka

