PARANG may malakas na sumapok kay Aurora nang marinig at maramdaman niya ang sakit mula sa boses ng lalaki. He sounded so sad. Sa buong durasyon ng pagkakahiga niya, ngayon lang siya nakarinig ng ganoong klase ng boses. Palagi siyang nakakarinig ng saya at words of encouragement. Ngayon ay tila sumusuko ang lalaki, waring umiiyak pa. It seems like he was letting her go. Pero bakit? Sandali lang pagkatapos magsalita ng lalaki ay nakaramdam naman si Aurora na tila sinasakal siya sa sakit. Parang pinipira-piraso ang katawan niya sa sakit. Inaalisan siya ng hangin. It was gripping her! Ano ba ang nangyayari? Gusto niyang lumanghap nang hangin pero hirap na hirap siya. Kahit gusto niyang imulat ang mga mata ay hindi rin niya maggawa. Matagal na niyang sinusubukan pero hindi niya m

