LESSON 23 “Saved By Abby” SINUBUKANG habulin nina Abby ang batang pulubi na nag-abot ng sulat sa kanila pero hindi na nila ito nakita. Malamang ay napag-utusan lamang ito at ang nag-utos ay ang totoong killer. “Sinasabi ko na nga ba, e! Madadamay talaga tayo kapag hindi tayo tumigil sa pagtulong kay Elise!” Nagpapadyak pa si Maira na parang naiinis. “Tama si Maira, Abby. Baka matulad din tayo sa naging biktima ng killer,” pagsang-ayon naman ni Marvin. Tinignan niya ang dalawang kaibigan. Naiintindihan naman niya kung bakit ganoon ang sinasabi ng mga ito. Natatakot ang mga ito na mamatay. Kahit naman siya ay natatakot rin pero ang sa kanya lang naman ay masyado nang maraming napatay ang killer na iyon at maaaring ito rin ang pumatay kina Laira at Nicolo. Ayaw na niyang madagdagan pa iy

