LESSON 11 “Bully’s Death” MALAKAS na iniumpog ng taong iyon ang ulo ni James sa matigas na sandalan ng upuan. Naramdaman ni James ang pag-agos ng dugo sa likuran niya. Nahilo siya at bahagyang nanlabo ang kanyang paningin dahil doon. Nanghihina na napayuko siya. “Hindi ka naman masasaktan kung marunong ka lang sumunod, James. Kay Ronnie sumusunod ka pero sa akin na nakasalalay ang buhay mo, hindi…” anito. “B-buhay? Papatayin mo rin naman ako, 'di ba? Anong pinagkaiba ng lalaban ako sa iyo o hindi?” “Hmm. Tama ka naman. Pero may pagkakaiba pa rin. Kapag nanlaban ka, mapapadali ang buhay mo pero kapag hindi naman, medyo mapapatagal dahil uunti-untiin ko ang pagpapahirap sa iyo hanggang sa mamatay ka na!” Malakas itong tumawa. Muli siyang sinabunutan ng taong iyon at iniharap nito ang mu

