Gabi na nung dumating ang tita at tito ni James galing sa pag gro-grocery.
“ Anak, Alex nandito na si tita ninyo. Bumaba kayo muna “
Narining ni Alex yung tawag ng nanay ni James kaya pumunta sila Alex at Jane sa kwarto nila James.
“ James, Jason nasa baba na daw si tita “ sabi ni Alex
Lumabas ng kwarto si Jason para sabihin na tulog si James.
kaya bumaba na lang sila kasama si Jason para ayusin yung mga napamili ng tita ni James.
Humanap muna si Alex ng maluluto para sa midnight snack nila.
“ si James pala Jason bakit hindi nyo kasama? “ tanong ng nanay
“ mi tulog po, pero mamaya gigisingin ko na din siya para makakain na din po ng gabihan “
“ mag aayos muna tayo Jane, Jason ng mga ito tapos gisingin ko na si James para makakain na “ sabi ni Alex
Yung mga frozen na meat, binigay kay Jane para malagay sa freezer. At yung mga delata ay kinuha naman ni Jason para ilagay sa cabinet.
“ natutuwa ako sa inyo mga anak na nakikita ko kayong masaya at nagtutulungan. Sana lagi na lang ganito para masaya ang bahay “ sabi ng nanay ni James
“ oo nga po te, masaya pag ganito karami tao dito “ sagot ng tita ni James
“ mag aahin na din po ako para sabay sabay na tayo makakain “ sabi naman ni Jane
“ ako na mag aahin iha “ sabi ni tita ni James
“ hindi po, magpahinga na lang kayo tita. Kami na ang bahala, tulong tulong tayo “ nakangiting sagot ni Jane
Ngumiti lang ang tita ni James saka umupo sa sofa at nanuod ng t.v kasama nanay ni James.
Mga ilang sandali pa ay bumaba si James. Nakita niya na nag-aayos sila Jason, Alex ng mga napamili at nag aahin naman si Jane sa lamesa.
“ James, nagising ka na pala “ sabi ni Alex
“ oo, napagod ako sa pagde-design. Bro, bakit hindi mo ako ginising? “
“ bro, hindi ka na pinagising ng girl friend mo para makapag pahinga ka naman daw “
Naghiyawan nanay at tita ni James na parang kinikilig.
“ kayo talaga, may matutulong pa ba ako sa inyo? “ sabi ni James
“ okay na James, patapos na din kami. Pero ikaw ang maghuhugas mamaya “ loko ni Alex
“ yun lang pala, kahit araw araw pa “ pa tawang sagot ni James
“ anak, sana kayo na talaga magkatuluyan. Bagay na bagay talaga kayo “
“ naku mi, gusto mo ngayon humanap na ako ng pari ei “ sagot ni Jason
“ oo nga, ikasal na natin sila Jason para dito na talaga kami titira ni Alex “ sabat naman ni Jane
“ naku gabi na, bukas na lang kayo humanap ng pari “ banat naman ni Alex sabay tawa ng malakas
“ uy, conservative ako. Hindi pa ako ready magpakasal “ sagot ni James
At nagtawan silang lahat.
“ Anak, ang saya ng bahay pag ganito tayo karami. Kasi naman si daddy mo lagi lang nasa labas, ikaw naman James sa trabaho o kaya nasa kwarto mo. Hindi tulad ngayon na marami tayo lahat nasa baba “
“ don’t worry mi, hindi na kami uuwi sa bahay namin. Dito na lang kami titira, payag po ba kayo? “ tanong ni Jane
“ naku iha, payag na payag ako diyan. Huwag na kayong umuwi para masaya tayo “
“ oo mi, hindi na sila uuwi kaya halika na kayo at kumain na tayo “ yaya ni James
“ bro dapat may sitting arrangement na tayo sa lamesa sa dami natin “
“ oo nga, si daddy nasa dulo katabi niya si mommy. Tapos si tita tabi ni mommmy sa tapat niya si tito. Katabi ni tita si Jane tapat niya si Jason, saka si Alex ako naman ang katapat “
“ sakto pala tayo, buti na lang ang kinuha mo anak ten sitter “ masayang sabi ng nanay
“ mi, kulang pa po tayo sa lamesa ng dalawa? “ sabi ni Jason
“ oo nga ano? Hanap pa tayo ng dalawa “ sabay tawa ng nanay ni James
At nagkainan na sila, kwentuhan at inisan. Napapansin ni Alex na medyo nawawala ang gap nila ni Jason kasi nagagawa na siyang lokohin.
Nararamdam naman ni James na mas magkakalapit sila ni Alex dahil sa pagtira nila sa kanila.
Nag-iisip sila kung ano kaya gagawin niyang paraan para lalo bumalik ang pagmamahal sa kanya ni Alex.
“ tito, may malamig ba tayong beer sa ref? “ tanong ni Jason
“ oo iho, nagpalamig ako kasi naisip ko uminom muna bago matulog sana para masarap ang tulog ko “
“ sakto tito, yan din naiisip ko para masarap ang tulog ko mamaya “ sagot naman ni Jason
“ siga bro, inom tayo kahit tig dalawa lang tayo. Kayo Alex, Jane? “
“ sige tig isa lang siguro kami sa fri or Saturday na lang tayo uminom ng pang malakasan “ sabay tawa
“ oo nga, hayaan na natin si Jason. Vitamins niya yun ei “ biro ni Alex
“ talaga, vitamins ko yun kaya sa Friday night Alex, bibili mo kami “
“ sus, papalibre ka lang ei. Sige sagot ko inuman sa Friday night “
“ narinig nyo yan ah? Sagot ni Alex sa Friday ang inuman “
Nakita sa mata ni Alex ang saya dahil nagkaayos na sila ni Jason, tumingin siya kay James at ngumiti.
Kahit ganun ang nangyari, nagka ayos din sila.
Nang matapos silang kumain ay kumuha na ng beer sa ref si Jason at pumunta sa may gate nila James para dun uminom. Sumunod naman ang tito ni James. Sila Jane at Alex ay nagligpit naman ng lamesa at si James ang naghugas ng mga pinggan.
Habang naghuhugas si James ay may naisip siya para sa sabado. Kaya pag tapos niyang maghugas ay agad na pumunta sa sala.
“ mi, gusto mo sa sabado mag out of town tayo? Sa tagaytay hanggang lingo tayo dun “
Naisip ng nanay ni James na hindi na sila nakakapunta sa bahay nila sa tagaytay.
“ sige anak, kasya naman tayong lahat sa van. Ano sa palagay mo Alex? “ sabi ng nanay ni James
“ naku, maganda po yun para naman makapag relax. Pero saan po tayo sa Tagaytay? “
“ Alex may bahay sila sa Tagaytay, maraming puno ng manga duon saka fresh ang hangin. Nakapunta na ako dun minsan “ sagot ni Jason
“ oo anak, dati tuwing Sabado nandun kami kasi presko. Saka kumpleto na dun dahil dun napunta lahat ng sweldo ni James “
“ sige sige, dun tayo para for a change naman “ sabat naman ni Jane
“ bro may internet ba dun? “ tanong ni Jason
“ yun ang wala, hindi ako nagpakabit dahil tuwing sabado lang naman kami dun. Pero kung gusto mo paunahin na natin si tito at si daddy dun para mapakabitan agad ng wifi “
“ payag ba sila na mauna na dun bro? “
“ naku okay lang sa amin na mauna na kami dun para malinis na din namin yung lugar “
“ good, sige bukas tito pwede na kayo pumunta ni daddy dun “ sabi ni James
“ anak dapat may allowance kami ha? “ sagot ng tatay ni James
“ opo, basta tito sunduin mo kami ng sabado ng umaga dito ha? “
Tumango naman agad ang tito niya.
Mga ilang oras pa ang naka ubos na sila ng isang case, nagyaya na din umakyat ang nanay ni James.
“ mga anak, matutulog na ako. Matulog na din kayo maya maya baka pag nagising ako bukas nandyan pa din kayo lalo ka na Jason “
Napakamot na lang ito ng ulo, niyaya na din ng tita ni James ang tito niya para makapag pahinga dahil bukas pupunta na tito niya sa Tagaytay.
Si Jason ay mukhang walang plano pa din umakyat dahil nag eenjoy siya sa pag inom. Kaya hinayaan na ni James, nauna na siyang umakyat para makatulog.
Sumunod din si Alex at Jane sa taas.
Napansin ni Jason na nag iisa na lang siya kaya umakyat na din ito.
“ oh bro, akala ko hindi ka pa aakyat? “ tanong ni James
“ ei ako na lang mag-isa kaya umakyat na din ako “
“ bukas ka na lang ulit uminom bro, pahinga ka na lang muna “ pag aalalang sabi ni James
“ bro may naisip ako? “ pabulong na sabi ni Jason
“ ano naman yun? “ tanong ni James
“ kung may internet sa Tagaytay, bakit hindi na lang tayo dun magstay, tutal naka work form home tayong lahat. Malayo pa sa lahat, diba? “
Nag-isip si James. Tama naman ang sinabi ni Jason na safe para sa lahat kung dun muna sila magstay. Malayo sa gulo
“ tama ka nga bro, kausapin natin ang mga babae kung gusto nila. At least dun makakalabas sila kahit papaano, hindi tulad dito na hindi sila pwedeng lumabas labas “ sabi ni James
Agad sila pumunta sa kabilang kwarto.
Knock… knock… knock
“ pasok “ sabi ni Alex
At pumasok ang dalawa sa kwarto.
“ may naisip si Jason, tutal naka work from home tayong apat. Bakit hindi tayo dun muna magstay sa Tagaytay at least dun pwede kayong lumabas at pumunta na hindi kayo natatakot na baka may sumusunod sa inyo “ sabi ni James
“ oo nga ano, wow Jason pag nakakainom ka pala matalino ka “ pang iinis na sabi ni Jane
“ wow ah… matalino po ako “ sabay tawa
“ okay sana yun guys kaso iba pa din ang manila sa Tagaytay “ sagot agad ni Alex
“ Alex hindi ka lang sanay kasi laking maynila ka pero pag nasubukan mo, mag eenjoy ka dahil lahat dun puros fresh “
“ oo nga Alex, saka kasama mo kami kaya hindi ka mabo-bored “ sagot ni Jason
“ oo nga Alex, try muna natin ng ilang araw, ngayon kung ayaw mo saka tayo umuwi dito “
Pumayag na din si Alex.
“ James ano meron sa inyo dun? “ tanong ni Jane
“ may bahay kubo kami dun tabi ng mismong bahay, may mga tanim si daddy na gulay at prutas din dun. May swimming pool kaya kung gusto nyo magswimming pwede anytime, may apat na kwarto tulad nito “
“ naku nandun na pala lahat James? “ sabi ni Jane
“ oo, kasi halos lahat ng sweldo ko dati dun napunta. Gusto ko kasi pag naka pamilya ako yung every week nandun kami para naman ma relax at mag enjoy pamilya ko “
“ swerte naman ng magiging asawa mo James “ sabi ni Alex
“ oo maswerte ka talaga “ sabay tawa
Natawa din si Alex sa sagot ni James.
“ ikaw naman Jason? Ano plano mo sa future family mo? “ tanong ni Jane
“ may napundar din ako, yung bahay namin, sinikap kong bilhin yun para sa future natin “
Natawang bigla sila sa sinabi ni Jason.
“ bakit kayo natawa? Ang sama nyo ah? “
“ may plano ka din pala akala ko wala kang plano “ sabay tawa ulit ni Jane
“ uy, huwag nyo pagtawanan si bro, kasi bago naging manginginom yan, inuna nya muna yung bahay na yun buti na lang natapos bago niyang naisipan na masarap pala ang alak “ pa tawang sagot ni James
“ bro naman, akala ko naman pinagtatanggol mo na ako. Ilalaglag mo din pala ako sa huli “ sabay tawa na din
Napansin ni Alex na masaya din pala kasama si James, akala niya kasi dati na mukhang boring siya kasama kaya nagkaroon siya ng iba. Naisip niya tuloy na sana dati inalam niya muna ang ugali at pagkatao ni James bago siya humanap ng iba.
“ Alex natahimik ka? “ tanong ni Jane
“ ini-imagine niya yung Tagaytay kasama si bro “ pa birong totoo
“ huwag mo na ako isipin, nandito naman ako ei “ sabi ni James
“ loko loko kayo ah “ sagot ni Alex
Nagtawanan silang lahat.
“ sige na matulog na tayo at marami pa tayong gagawin bukas “ kunwari na naiinis na sabi ni Alex
“ sige na nga lilipat na kami sa kabila at baka may mainis pa “ pang iinis ni Jason
“ goodnight, huwag mo na akong isipin ha? baka hindi ako makatulog “ pa tawang sabi ni James
“ sus bro, baka kamo si Alex ang hindi makatulog dahil ikaw ang mag iisip sa kanya, kung paano mo siya mapapasagot ulit “ tumawa ng malakas
“ naku kayong dalawa, baka mainis si Alex sa inyo ha? sige lumabas na kayo at matulog na. wala ng mag iisip ng kung anu ano at baka bukas may zombie “
Kaya lumabas na ang dalawa sa kwarto at lumipat na sa kabilang kwarto.
Malalim iniisip ni James at napansin naman agad ito ni Jason.
“ bro what’s wrong “ tanong nito
“ bro sana pumayag na dun na lang muna tayo sa Tagaytay para mas madaling makalimutan ni Alex yung babe niya noh? “
“ bro papayag yun na magstay dun, ako bahala “ may naiisip na gagawin si Jason
“ bro, pag ganyan itsura mo ramdam ko may plano ka? “
“ basta bro, ako bahala. Bukas lalabas ako “
“ saan ka pupunta? “ tanong ni James
“ basta may pupuntahan ako pero babalik din agad ako, matulog na tayo bro “
“ sige, siguraduhin mo lang na hindi tayo mapapahamak dyan ha? baka masira plano ko? “
“ ako na bahala bro “
At pinatay na nila ang ilaw saka ito natulog.
Kina umagahan maagang nagising si James at agad ito bumaba para magluto ng agahan.
“ good morning anak, ang aga mong nagising ah? “
“ good morning mi, opo gusto ko po kasing mag fried rice ngayon “
“ aba ang anak ko mukhang maganda ang gising ah? Ano pala gusto nyo na ulam mamaya? “
“ ako na po ang magluluto mi, napansin nyo po ba si Jason? “
“ hindi kakababa ko lang, bakit wala na ba sa kwarto nyo? “ tanong ng nanay
“ pag gising ko po, wala sa tabi ko “
Nag-iisip tuloy si James kung saan pumunta si Jason kaya tinawagan niya ito.
Ring…ring..ring
“ hello bro, nasaan ka? “ tanong ni James
“ hello, pabalik na ako diyan. May binili lang ako sandali “
Nung marinig ni James yun ay naisip niya agad yung pinag usapan nila bago sila natulog. Kinakabahan na natatakot siya at baka mahuli sila pero naisip niya na hindi naman siya ipapahamak ng kaibigan niya kaya hinayaan na lang niya.
Mga ilang saglit ay bumaba ang dalawa.
Bumati sila sa mga tao sa baba.
“ anak, naka pagluto na ni James, kain na tayo “
“ sila tita mo mi “ tanong ni Alex
“ nasa kwarto pa nila “
“ puntahan ko po para sabay sabay na tayo kumain “ sabi ni Alex
“ sige anak, tatawagin ko na din daddy nyo ‘
“ sige, aakyatin ko na din po si Jason “ sabi ni Jane
“ wala sa taas si Jason Jane, lumabas saglit pero babalik din agad “ sagot ni James
“ saan yun pumunta James “
“ sino hinahanap mo? Ako ba? Dito na ako, ang aga aga naman nami-miss mo na ako agad “
“ ganun ba? Sige hindi na kita hahanapin “ nakatawang sagot ni Jane
“ aba! Huwag naman, hindi ka na mabiro. Halika na kain na tayo? “ yaya sa lahat
Natawag na din ni Alex si tito at si tita, ganun din ang tatay ni James. Kaya sabay sabay silang kumakain.
“ ang sarap talaga mga anak kung ganito tayo kasaya “
“ don’t worry mommy, lagi na tayong sabay sabay kakain para lagi po kayong masaya “ sagot ni Alex
“ oo nga mi, lagi na tayong masaya dahil lagi natin sila kasama “ sabi ni James
Nang matapos silang kumain at nagpaalam na agad ni Jason na aakyat na siya dahil marami daw siyang gagawing design kaya pina akyat na agad nila si Jason.
Si Jane naman ang naghugas ng pinggan, si Alex ang naglinis sa lamesa at si James ay nag aayos naman para lulutuin sa tanghalian.
“ iho, ako na ang magluluto na tanghalian para bago umalis tito at daddy mo nakakain na sila “
“ oo nga anak, umakyat ka na at magtrabaho “
“ okay lang ba kayo Alex, Jane? “ tanong ni James
“ oo, okay lang kami. Sige na umakyat ka na “ sabi ni Alex
Kaya umakyat na si James para matanong niya si Jason kung saan siya pumunta.
Nang makapasok sa kwarto.
“ bro, lock mo pinto “ utos ni Jason
Nagtataka si James, bakit niya pinalo-lock ang pinto ng kwarto nila. Ngunit sinunod naman niya ito. Pagka lock ng pinto ay agad kinuha ni Jason ang bagong biling celfone at kinabit yung sim card sa loob.
“ bro, ano yan? “ pabulong na sabi ni James
“ huwag kang mainggay, ako bahala. Silent ko lng fone na ito para hindi marinig na tumunog “
“ ano ba gagawin mo diyan bro? kinakabahan naman ako “ sabi ni James
“ huwag ka nga kabahan, ako bahala. Huwag kang maingay “
At hindi na nagsalita pa si James, tiningnan na lang niya si Jason kung ano ang gagawin niya dun. Mga ilang oras pa ay nagtext na ito.
“ Alex. Alam ko kung nasaan kayo “
Mga ilang sandali pa ay nabasa na ni Alex yung message na yun.
“ sino ito? “
“ babe mo, mabilis ka naman nakakalimot “ sagot nung nagtext sa kanya
“ pwede ba hayaan mo na ako, ayoko na sa iyo “ sabay pinakita kay Jane yung message na yun
Natatakot na ang dalawa pero hindi nila masabi kina James at Jason.
“ kung ako sa inyo ng kaibigan mo, umuwi na kayo at saka tayo mag-usap. Alam ko kung nasaan kayo, kung ayaw nyo madamay mga tao diyan magpakita na kayo sa akin “
“ huwag mong sasaktan mga tao dito, maawa ka na naman sa amin. Hayaan mo na ako! “ natatakot na text ni Alex
Kinausap niya agad si Jane habang binabasa niya message nun ay natatakot na din.
“ Alex ei kung yayain na natin sila James sa Tagaytay, dun na lang muna tayo magstay at least dun malayo diba? “
“ oo nga Jane, tama ka. tapos tatawag na lang ako sa provider ko para mapalitan number ko para hindi na ako matext or tawagan pa kahit kailan “
“ tama Alex “
Mga ilang sandali pa ay tumatawag na yung nagtext sa kanya kaya agad pinatay ni Alex yung fone niya.
“ halika na, yayain na natin sila “ yaya ni Alex
Kaya agad ito lumabas at kumatok sa kwarto ng dalawa.
Agad naman tinago ni Jason ang fone sa ilalim ng ulan, para hindi ito makita. Saka binuksan ni James ang pinto.
“ bakit? Parang takot na takot kayo “ tanong ni James
Agad pumasok sa kwarto ang dalawa.
“ James ngayon na tayo pumunta sa Tagaytay “ sabi ni Alex
“ oo nga James, Jason ngayon na tayo pumunta dun. Sumabay na tayo kina tito at daddy “ sabi ni Jane na natatakot
“ ano ba nangyari? “ tanong ni Jason
Saka kinuwento ni Alex na nagmessage sa kanya yung ex niya at pina uuwi na sila at gusto na magka usap sila.
Nung narinig agad ni James yun ay niyakap niya agad si Alex.
“ Okay ka lang ba? Sige sabihan ko sila na ngayon na tayo pupunta, kaso wala pa tayong internet dun“
“ ayos lang James “ sabi ni Jane
“ sige ayusin nyo na gamit nyo at aalis na tayo maya maya “
Agad lumabas ang dalawa para mag ayos ng gamit.
Tawa naman ng tawa si Jason sa ginawa niya.
“ okay ba bro? “ tanong ni Jason
“ loko loko ka talaga, pero ang galing mo basta sa kalokohan. Ayusin mo na gamit natin bro at sasabihan ko lang sila tita at mommy na mag ayos na dahil ngayon na tayo pupunta ng Tagaytay“
Bumaba na si James para sabihin sila na mag ayos na ng gamit.
“ mi, tita ngayon na tayo pupunta sa Tagaytay. Ayusin nyo ng mga gamit “
“ sige anak “
“ saka tita, yung mga delata at ibang laman sa freezer natin dalhin din natin baka matagalan tayo dun sa Tagaytay. Lahat ng masisira dalhin natin “
“ sige iho, papatulong na lang ako sa tito mo “
“ sige po tita, salamat “
Saka umakyat na ng kwarto si James para tulungan si Jason sa pag aayos ng gamit nila.