Sa police station Napansin ng tito ni James na parang may matang tumitingin sa kanila pero hindi na lang niya sinabi kay James. Pumasok naman agad si James at kinausap ang isang opisyal. “ magandang tanghali po, saan po ba ako pwedeng magreport dahil pinasok ang bahay namin kagabi at nagpaputok ng baril? “ “ magandang tanghali din, dito sa amin. Pasok lang tayo sa opisina “ “ sige po “ Sinundan ni James yung pulis. Pagka upong pagka upo ni James ay agad na niya kinuwento lahat ng nangyari. Humingi din siya ng security para sa kaligtasan ng pamilya niya. Pinayuhan siya na kumuha sa isang security agency na halos malapit lang din sa police station. Sinabihan siya ng pulis na aasikasuhin nila agad yung kaso nila. Nagpasalamat si James sa pulis na nag asikaso sa kanya at agad na n

