Pumasok agad si James sa kwarto nila ni Jason at agad pumunta sa cr para maghilamos. Naiisip niya na gustong gusto niyang maangkin si Alex pero ayaw naman niya samantalahin ang pagkakataon na lasing ito. Pag labas niya ng cr ay pumasok naman si Jason. “ bro, hinahanap ka sa baba “ “ naghilamos lang ako para mawala lasing ko “ “ lika na, baba na tayo “ yaya ni Jason Minabuti niyang sumama at uminom na lang ulit kaysa isipin ang nangyari sa kanilang dalawa ni Alex. “ nasaan na si nanay? “ tanong ni James “umuwi na bro, pati si manong “ Lumapit siya kay Jane at sa anak ni manong. “ hindi pa ba kayo lasing? “ tanong ni James “ hindi pa naman “ sagot nung anak ni manong “ lakas mong uminom ah? “ sabay ngiti “ bakit ayaw mo na umiinom ako? Sabihin mo hindi na ako iinom “ Tumawa la

