IN life things we least expect it always happens. Tipong yung akala mo hindi pwede pero pwede pala. Ganyan ang nararamdaman niya ngayon, dahil hindi niya aakalaing magkakasundo ang tatlong itlog at ang sirena. Habang ang dalawang Maharlika ay panaka-nakang sumusulyap saka kabulastugan nung apat. Hindi nga niya akalain na mapapapayag niya ang mga kasamahan niya. Maurecia had to remove the pearl bracelet to let them know that she was a real mermaid. May paa man o buntot ang dalaga ay napakaganda pa rin nito, sa tuwing ngumingiti ito ay namumungay ang nangungusap nitong mga mata. Ang tatlong itlog na si Trevian, Kremor, at Mizchelle nga ay natutulala sa tuwing tumatawa ang dalaga. Kahit siya ay nabighani sa ganda ng dalaga, ang dalawang Maharlika lang ang hindi tinatablan ng ganda nito. Lalon

