Chapter 10 (Computer Room)

1432 Words
Selene Caz "Selene!" sigaw sakin ni Aldrin sabay bato nya sa sakin ng isang baseball na dala nila na agad ko namang na salo. Ako, si Loreine, Jade, Aldrin, Jazer at Chester na lang ang natira dito. May kanya-kanya kaming hawak na panlaban at may kanya kanya din kaming bag na dala. "Kaya mong lumaban?" nag-aalalang tanong ko kay Loreine. Ngumiti naman agad sya sakin. "Natatalo man ako sa mga pangbubugbog mo sakin, sisiguraduhin ko naman na hindi ako papatalo sa mga halimaw na yon no! Tsaka naka punta nga kami dito sa school nyo nang hindi ako nasusugatan ih" masayang sabi nya, agad ko namang hinawakan ang maliit na gasgas nya sa mukha tsaka ko diniinan yon "A-aray! Sh*t! Lenlen ang sakit!" Sinamaan ko sya nang tingin. "Ano yan?! Tsk! Subukan mong dagdagan yang sugat mo sa mukha at babatukan talaga kita!" "Come on. We're running out of time" seryosong sabi ni Jazer. "Are you sure naging ex mo to?" bulong sakin ni Chester sabay turo kay Jazer. Agad ko naman syang kinurot sa tagiliran. "Sshh... shut up!" Nasa harapan naka pwesto si Jazer at Chester habang nasa likod naman sila Aldrin at Jade at nasa gitna naman kami ni Loreine. "Ulo ang puntiryahin nyo" bulong samin ni Jazer. Nagsimula na kaming lumabas at mismong paglabas namin ay syang sabay sabay na paglingon samin ng mga zombies. Nagsimula na silang sumugod samin at kanya-kanya namang hampas nila Jazer sa ulo ng mga zombies. Tumulong na rin sila Jade. "Selene! Sa likod mo!" sigaw sakin ni Loreine. Pero nang hihina ako! Panong hindi?! K-karamihan sa kanila... kasama lang namin kanina... nasa loob lang ng canteen at nakikipagkwentuhan. Ngayon mga zombies na. Napatakip ako sa bibig ng makilala ko ang iba. Si Tasya! Si Clara! Napaluha ako nang makita ko ang lahat ng studyanteng naligtas namin sa ibang section. Lahat sila... zombies na. Si Thea at ang apat pang ABM. Kasama ang tatlong PA. Muntik na kong matumba nang makita ko kung sino ang pasugod na zombies sakin. Ang... ang mga kaklase kong lalake... Si James... Dave... at "M-Martin..." Nagsibagsakan na ang mga luha ko. "F*ck!" sigaw ni Chester sabay hampas sa ulo ni James. Ganon din ang ginawa nila Jade kila Dave at Martin. Hindi nila tinigil ang paghahampas hanggang sa dumugo nang dumugo ang ulo ng mga to. Napatingin ako kay Chester na tumutulo ang luha habang hinahampas ng paulit-ulit si James. "D-dude..." mahinang bulong nya pero patuloy parin sya sa paghampas kay James. Napaiyak ako pero agad akong lumapit kay Chester staka sya hinawakan sa braso pero tila para syang walang naririnig. "Chester... tama na... tama na! Ano ba?!" umiiyak na sigaw ko. Wala nang buhay si James pero patuloy pa rin sya sa ginagawa nya. "Ahh!" napatingin ako sa direksyon ng sumigaw. Kumabog ang dibdib ko nang makita kong nakahiga si Loreine habang sinasalag ang nakadagan na zombie sa kanya gamit ang baseball bat nya. Napatingin ako sa paligid. Lahat sila may ginagawa. Agad akong tumakbo sa direksyon ni Loreine at buong lakas kong inihampas ang baseball bat na hawak ko dun sa lalaking zombie. Pero huminto lang sya saglit atsaka nya itinuloy ang pagpupumilit kainin si Loreine. Wala akong ibang naisip gawin kundi kunin ang kutsilyo sa telang ipinulupot ko sa legs ko na nakuha ko pa sa canteen staka ko ito buong lakas na itinarak sa ulo nang lalake. Nagsitalsikan ang mga dugo nya sa uniform ko at ang iba ay sa mukha ko, na agad ko namang pinunasan. Nakahinga ako nang maluwag nang mawalan na sya nang malay at napadagan na kay Loreine. Kinuha ko ulit yung kutsilyo sa ulo nya at ipinunas ko to sa damit nya tsaka ko ibinalik sa tela na nakapalibot sa legs ko. Agad kong itinulak yung lalake sabay alalay ko kay Loreine na makatayo. Pero ako naman ang nanigas sa kinatatayuan ko nang makita ko kung sino yung zombie na nasaksak ko. Napatakip ako sa bibig ko at sunod-sunod na ang pagtulo nang luha ko. "Oh God..." agad akong umupo sa sahig staka ko iniangat ang ulo nya para ihiga sa binti ko. Nanlamig ako nang makita ko ang dugo sa kamay ko na mula sa ulo nya na sinaksak ko. "I... I'm sorry... I'm really sorry..." napahagulgol na ko. Pinilit naman akong itayo ni Loreine. "Selene! Halika na!" "N-no! Oh my God I'm sorry hindi... h-hindi ko talaga sinasadya... I'm sorry Fin. Fin! Wake up! F*ck! Please wake up! I'm sorry! Please don't do this to me! Parang awa mo na!" nagulat ako nang biglang may mahigpit na humawak sa braso ko tsaka ako marahas na inatak. Napatayo agad ako atsaka nya ko inatak ng mabilis. Napatingin ako sa paligid. Tumatakbo kami palayo sa mga zombies. Nauuna kami ni Loreine at nasa likod namin sila Jade, Aldrin at Chester. Napatingin ako kay Jazer na mahigpit na nakawak sa braso ko. "J-Jazer... sh*t! Balikan natin si Fin!" naiiyak na sabi ko. Masama naman akong nilingon ni Jazer. "P*tang*na! Muntik na kayong mamatay ni Loreine dahil jan sa kabaliwan mo! Kung hindi lang sya inatak ni Aldrin at hindi lang kita inatak kanina pa kayo pinagpe-pyestahan ng mga zombies don! Wake up Selene! Face the reality! May mawawala! May mamamatay!" nanghihina akong napa-yuko tsaka nagsibagsakan ang mga luha ko. Nagpaatak na lang ako sa kanya. Dahil sakin... dahil sakin, muntik na kaming mamatay ni Loreine. Muntik ng mamatay ang kaibigan ko. Hihinto na dapat sa pagtakbo si Jazer ng nasa tapat na kami ng sports room. "Jazer sa computer room tayo" rinig kong sabi ni Chester. Tumingin muna sakin si Jazer tsaka ulit ako nagpatangay sa kanya. Nang nasa tapat na kami nang computer room ay agad kaming huminto. "Key?" seryosong tanong sakin ni Jazer. Kami ni Clyde ang isa sa may hawak ng susi ng mga kwarto dito sa school kabilang na itong computer room. Agad kong kinuha sa bulsa ng palda ko yung susi. Maraming susi. "Yung pinaka maliit" sabi ko sa kanya. Agad nya namang kinuha yon at hinanap ang pinaka maliit na susi tsaka nya ipinasok sa doorknob. *Click* Pagbukas ay may mang hahampas sana samin ngunit nabitin yon sa ere. Napatingin ako sa may hawak ng kahoy. Nanlaki agad ang mga mata ko. "S-Sir James..." nanghihina kong sabi. "Sir James" bulong din ni Chester. Agad akong yinakap ni Sir tapos ay sinuri ang buong katawan ko. Responsable na teacher si Sir at sobrang supportive saming ICT. Favorite teacher namin sya dahil kami rin ang favorite students nya. "Oh God. Mabuti ayos lang kayo" nag-aalalang sabi nya. Napangiti naman ako. "S-Sir... akala ko po, a-akala ko po umalis na kayo?" Agad nya namang ginulo-gulo ang buhok ko. "Akala ko din kaya ko. Pero Selene, mga anak na ang turing ko sa inyo." masayang sabi nya. "Ah Sir, mga kaibigan ko po, sila Loreine, Aldrin, Jade at Jazer. Kasama po namin ni Chester" agad nya namang nginitian ang mga kaibigan ko. "K-kayo nalang ba?" nahihirapang tanong ni Sir. Agad naman akong umiling-iling. "Uhmm no Sir. Nandun yung iba sa sports room para mangolekta nang mga gamit" Tumango-tango naman sya sakin. "Okay, yung ibang SSG officers?" bumalik ang lungkot ko dahil sa tanong nya. Si Fin... Umiling-iling ako. "Uhmm... n-nandon din po sa sports room" Si Sir James ang nagturo samin at naging adviser naming mga SSG officers kaya ang taas talaga nang tingin namin sa kanya. At isa yon sa dahilan kung bakit naging malapit kami sa kanya. "Selene iha, Sir James nabuksan ko na po yung computer" napatingin ako sa nagsalita. Napatakip ako sa bibig ko sabay akap sa kanya. "Oh sh*t! Mang Robert! Iniisip ko pa lang kanina kung pano ka kukunin sa guard house tas ngayon nandito kana! Grabe! Nag-alala po talaga ako sayo!" masayang sabi ko. Si Mang Robert ang guard dito sa school. Madalas nya kong pagalitan dahil madalas akong late pero mabait talaga sya sakin. Napalapit na kaming mga studyante sa kanya. "Oo Selene, niligtas kasi ako ni Sir James" masayang sabi ni Mang Robert. Grabe! Nag-alala talaga ako sa kanya. "Good thing at nandito kayo ni Chester dahil susubukan ko sanang ma-hack or magkaron ng access sa Red Island at dahil ICT kayo, malaki ang matutulong nyo" sabi sakin ni Sir James. Si Sir James ay minsan na naming naging programming teacher at masasabi kong magaling talaga sya kaso lumipat sya bilang Research teacher namin ih. "Ahm, actually Sir mga ICT students din tong mga kaibigan ko. Magagaling po yang mga yan" masayang sabi ko. "Good, so let start" sabi ni Sir at nagsi-upo na sila at tumapat sa mga computer.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD