47: Power Tripper

1125 Words

"A--ALEJANDRO Sand-- si Jan Sandoval, Sis?" "Hindi ko alam kung iisang tao 'yan, Theo. Basta siya. 'Kairita nga. Sirang-sira ang mood ko kahapon na first day pa naman ng pagbabalik ng klase." Napaismid pa si Angel nang sagutin ang kaibigan. Naroon sila sa isa mga batong upuan na natural nang display ng school nila upang magamit ng mga estudyante sa tuwing vacant. Merienda time na nila. Saging con yelo ang napag-tripan nila ni Theo na meryendahin ngayon kaya magdusa ang kaibigan niya mamaya na magbalik ng tasa na ginamit nila sa cafeteria. Gano'n kasi sa school nila, self-service. S'yempre, maraming estudyante. Sa lahat naman yata ng school ay gano'n. "Ay, naku, hindi naman din mahirap na hulaan na siya nga 'yang tinutukoy mo. Parang palaging pinagsakluban ng langit at lupa sa sungit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD