HINDI pumasok nang araw na 'yon si Elice. Kahit anong tawag din ni Angel dito ay hindi niya 'to makontak. Kung kailan kailangan pa naman nila 'to at na kay Elice kasi ang project nila sa isang subject. "Ba't kaya wala siya?" Naiinis na muling pinatay ni Angel ang phone niya para i-dial ulit. "Hindi pa naman gawain ng babaeng 'yon na mag-absent. Saka parang ngayon lang nangyari na wala siya at ang mga pinsan niya," Theo said. Maarte 'tong nagpapaypay at maarte rin na nag-isip pagkatapos. Nilagay sa sentido ang hintuturo. Totoo 'yon. Kaya mahirap na hindi magtaka at aaminin ni Angel na parang hindi maganda ang suspetsa niya kaya pare-pareho ang magpipinsan na wala ngayon. "Nakakapagtaka naman," dagdag pa ni Theo. "Pero mas nakakapagtaka ka, Sis." "Huh?" Literal na nag-loading si Ange

