"What is this, Tim? Niloloko mo ba ako?" naguguluhang wika ni Cassandra. "Hindi kita niloloko." Mas hinigpitan ni Tim ang paghapit sa baywang ng asawa. Pakiramdam noon ni Cassandra ay umaakyat ang puso niya sa kaniyang lalamunan. "Gusto kong bumalik ka na sa akin. Alam ko nang mali ang mga nagawa ko at pinagsisisihan ko na lahat ng iyon. HIndi ko na dapat paulit-ulit na inuungkat ang nakaraan natin. Hindi kita dapat sinisisi sa pagkawala ng anak natin. It wasn't your fault. It was an accident. At ang pagkalugi ng negosyo ko, wala kang kinalaman doon. Ako ang nagpabaya." Nangilid ang mga luha niya, ganoon din ang mga luha ni Cassandra. "Bakit ngayon lang, Tim?" "Bakit, huli na ba ang lahat para sa atin? Hon, naniniwala akong maitatama ko pa ang lahat. Maibabalik ko pa ang dati. Kaya pa

