"What happened?" nag-aalalang tanong ni Presila kay Tim nang dumating ito. Bagsak na bagsak ang mga balikat nito at parang wala sa sarili. Hindi tumugon si Tim. Derederetso lang ito sa pagpasok sa kwarto nito. Ilang saglit lang ay tumawag sa kaniya si Pia. "I'm sorry, Tita. The plan did not turn out well," anito. Bakas sa boses nito ang pag-iyak. "Tim lost his job, and there's nothing I can do about it. I'm sorry." Hindi na nagkaroon pa ng pagkakataon si Presila upang tanungin pa ng mga detalye ang dalaga dahil nagbaba na ito ng tawag. Pupuntahan niya sana si Tim sa kwarto nito ngunit nagkataong lumabas din ito. Nakabihis ito at mukhang aalis. "Saan ka pupunta?" tanong niya sa anak. Sa pangalawang pagkakataon ay hindi na naman siya sinagot ni Tim. Derederetso lang ito hanggang sa makalab

