Abot hanggang sa magkabilang tainga ang ngiti ni Presila nang makitang sabay na dumating si Tim at si Pia. Hindi niya iyon inasahan. Aligaga siyang nilapitan ang dalawa. Sabik na sabik niyang ibineso si Pia. "Thank you for coming, Pia. Oh my God! Hindi ko maitago ang aking excitement," aniya. Hindi naman maitago ni Tim ang disappointment. "Sana man lang sinabihan ninyo ako, Mom. Tinanong mo lang ako, pero hindi ako nag-agree." "Ano ka ba naman?" ani Presila. "Nandito na rin lang naman ang mga bisita, lalo na si Pia, bakit mo pa iyan sasabihin? Bakit hindi ka na lang magpasalamat sa iyong mommy, huh?" Niyakap niya ang anak nang mahigpit. "Salamat sa pagdadala rito kay Pia." Buntong hininga lamang ang itinugon ni Tim. "Huwag ka nang bumusangot, nakakahiya sa mga bisita," wika pa ni Pre

