"What's your name?" nakangiting tanong ni Timothy sa isang babae.
Kasalukuyan siyang nasa likod na bahagi ng La Casa Del Amore, sa batis kung saan siya minsan nagpapalipas ng buong magdamag dahil sa dinadalang pasanin sa buhay. Natatabunan kasi ng mga kapunuan ang likoran ng kasa kaya hindi masyadong napupuntahan ang parte ng batis na iyon.
Hindi agad sumagot ang babae. Kumuha ito ng stick saka nagsulat sa lupa.
"Kamila?" Ayon sa pagbasa ni Timothy. So her name is Kamila.
"Yes. I'm Kamila. Welcome to my favorite spot!"
Napakunot-noo si Timothy. "Favorite spot? Itong batuhan ang favorite spot mo?" tanong niya sa dalaga.
"Yup. Alam mo kasi, doon pa sa likod ng masukal na gubat na 'yon ang bahay namin. Maliit lang. Kapag nabo-bored ako, dito ako tumatambay at naliligo paminsan-minsan.
"That's good." Tipid lang ang naging sagot ni Tim sa kanya.
Napakunot noo si Kamila saka hinawakan nito ang kanyang mukha ni Tim. "Malungkot ka, nakikita ko sa 'yong mga mata," saad ni Kamila saka hinawakan pa ang baba ni Tim para salubungin ang tingin niya.
Iniwas ni Timothy ang tingin niya sa dalaga. "Hindi mo ako kilala para sabihin mo 'yan, pero tama ka."
Pumulot si Kamila ng maliit na bato saka inihagis sa tubig sa batis. "Gayahin mo 'ko. Ganito ang ginagawa ko kapag nalulungkot ako. Kapag nag-splash ang tubig dahil sa bato, nakakatuwa. Gumagaan na agad ang pakiramdam ko," ani Kamila.
"Hindi basta basta lang ang problema ko. Malaki, hindi ko na alam kung paano akong babangon. Kaya 'wag mong sabihing gagaan ang pakiramdam ko kapag naghagis ako ng bato." Pagsusungit ni Timothy.
"Asus! Hagis lang, e. Baka sakali lang naman? Kung ayaw mo, e 'di 'wag."
Paalis na si Kamila. Hindi na sana niya lilingunin si Timothy pero nakita niya itong tumayo. Maglalakad na rin ba ito paalis?
To her surprise, nakita niya itong pumulot ng bato saka hinagis iyon sa batis. The water then splashed to his face. Malaking bato ang hinagis niya kaya't gano'n na lamang ang pagtalsik ng tubig.
"Hahahaha!" Pinagtawanan siya ni Kamila.
"Sh*t! Badtrip!" natatawa rin na sabi ni Timothy sa sarili niya. Napahiya siya ro'n. Napahiya siya sa harapan ni Kamila.
"Akala ko ba hindi mo gagawin?" Pang-aasar ng dalaga. "Mukhang mabigat nga ang problema mo, kay laking bato ng hinagis mo, e. Malamang tatalsik 'yon nang malakas! Hahah!" dugtong pa ni Kamila. Halos sumakit na ang tiyan niya sa kakatawa.
"Umalis ka na nga!" Pagtataboy ni Tim.
"Ito naman! Kay sungit!" Dadabog-dabog na naglakad paalis si Kamila. Pumasok siya sa masukal na gubat na 'yon.
Timothy can't help but smile. Kahit papaano, naibsan ang bigat. Mukhang effective nga at gumaan ang bigat na dinadala niya. Napangiti siya sa kanyang isipan nang maalala ang mukha ni Kamila. She looks innocent and jolly para sa kanya. Gusto niya itong makita ulit. Sana ay bumalik pa ito sa batis.
Pagkarating ni Timothy sa kanila ay nakita niyang naghahanda ng meryenda si Cassandra. Talagang nagpapaka-asawa ito sa kanya kahit na hindi na niya magawa ang responsibilidad niya rito bilang kabiyak.
"Tim! You're just in time for meryenda. Maupo ka muna. I made canapé for you," nakangiting wika ni Cassandra. Akmang hahalikan niya si Tim pero umiwas ito.
Nagbago na naman ang mood ni Tim. Kanina lang ay halos nakangiti na itong papasok. Pero nang makita niya si Cassandra, hindi niya maiwasang maalala ang pagkamatay ng anak nila dahil sa kakulitan nitong sumama. Si Cassandra talaga ang sinisisi ni Tim. Ngayon, kahit man lang tingnan niya ito ng may ngiti sa kanyang labi ay hindi niya magawa. Pero gano'n pa man, mag-asawa pa rin sila, at iyon na lang ang dahilan niya para manatili pa sa tabi ni Cassandra. Dahil lang sa mag-asawa sila sa papel at sa harap ng Diyos.
"Tim," naiiyak na sagot ni Cassandra.
"Iwan mo na lang diyan. Kakain ako kung gusto ko."
Ramdam na ramdam ni Cassandra ang lamig ng asawa niya. Hindi ba dapat ay sanay na siya? Sanay na siyang gano'n ang pakikitungo ni Tim sa kanya? Pero bakit? Bakit pinipiga pa rin ang puso niya sa sakit?
Kahit man lang halik ay pinagdadamot ng asawa niya. Tinungo ni Tim ang kuwarto nila at nagkulong doon. Hindi niya man lang ginalaw ang pagkain kahit isang kagat lang.
Napatingin si Cassandra sa kamay niya na nagkapaso-paso sa pagluluto kanina. Napaiyak na lang siya. Kusang tumulo ang luha niya nang makita ang mga paso na natamo niya para lang mag-effort na paghandaan ng meryenda ang asawa niya.
"Ayaw kong sumuko, Tim. Pero sana, h'wag mo akong pagurin," bulong ni Cassandra.
Bigla siyang napapahid sa pisngi niyang puno ng luha nang may tumawag sa kanya sa labas. Dumungaw siya sa bintana upang i-check ko sino 'yon at napakunot-noo siya nang makita kung sino iyon.
"Hi, Ma'am Cassandra!" masiglang bati nito. It's Diolph, ang bisita nila sa Casa.
Pinagbuksan siya ng pinto ni Cassandra.
"Bakit po? May kailangan po ba kayo?" magalang na tanong nita rito.
"Magtatanong lang sana ako kung saan may mapagkakainan rito? Like, cafeteria? May cafeteria ba itong Casa ninyo?"
Biglang naalala ni Cassandra ang ginawa niyang meryenda ni Tim. Alam naman niyang hindi iyon gagalawin ng asawa niya kaya mabuti pa sigurong ibigay na lang niya iyon sa panauhin nila.
"Doon lang sa may dulo diretsuhin mo lang. Anyway, may ginawa akong meryenda kanina, baka gusto mo?"
Lumiwanag ang mukha ni Diolph.
"Talaga, Ma'am? Gawa ninyo mismo? Puwedeng patikim?" Interesado nitong sabi.
Mabuti pa itong bisita nila ay sabik sa luto ni Cassandra. Samantalang ang mismong asawa niya, wala. Walang gana sa kanya at sa kung ano pa mang gawin niyang effort para sa asawa.
"Sure! Kukunin ko lang saglit!" Paalam ni Cassandra saka pumasok na sa loob para kunin iyon. Napatitig pa siya sa kuwarto nilang mag-asawa at napabuntong-hininga. "Para sa 'yo sana 'to, Tim. Pero dahil hindi mo naman napapansin ang effort ko, ibibigay ko na lang sa iba."
Iyon na lamang ang nasabi ni Cassandra saka na naglagay ng canapé sa kulay itim at malinis na tray. Pati ang inihanda niyang juice ay binigyan na rin niya si Diolph para may panulak ito.
"Here! Enjoy!" ani Cassandra.
Malugod 'yon na tinanggap ni Diolph nang nakangiti. "Thanks, Miss beautiful!" ani Diolph saka kumindat kay Cassandra.
Bigla niya tuloy itong nasaraduhan ng pinto sa gulat. Baka mamaya, mag-abot pa sila ni Tim at baka anong isipin no'n. Hindi pa naman no'n kilala ang mga bisita nila sa Casa dahil magdamag lang itong nakakulong sa kuwarto. Minsan lang lumabas.