"Pinuntahan ka raw dito ni Tim kanina," usisa ni Diolph kay Cassandra pagkauwi niya galing ng trabaho. "Paano niya tayo natunton dito?" He sounded really worried. "Gusto mo bang lumipat tayo ng unit?" "No, Diolph. Okay lang. Ayaw kitang madisturbo. Maganda ang unit mo na ito. Hindi ako papayag na magsakripisyo ka na naman para sa akin," tugon ni Cassandra. "Ano ang gusto mong gawin natin?" masuyong wika ni Diolph. "Hayaan na natin si Tim. Malinaw naman ang sinabi ko na ayaw ko na," tugon ni Cassandra. "Umaasa akong igagalang niya na lang iyon." "Hindi gagawin iyon ni Tim. He wants you back very badly. Hindi siya titigil hangga't hindi siya bumabalik." Tumikhim si Diolph. "Cass, huwag mo sanang mamasamain, pero what if sundin mo na lang ang payo ng mother-in-law mo na mag-file ka ng ann

