"Dad, ibigay na ninyo kay Tim ang posisyon," wika ni Pia sa amang si Ben. "Hindi ba qualified naman siya? Ang sabi pa sa akin ni Tita Presila, kailan lang daw, interesado kang tulungan si Tim na makabangon. You asked about him, and you wanted him to come to my party." "Ang posisyon sa kompanya ay bukas sa lahat. Hindi ako magbibigay ng special treatment kay Timothy dahil lang sa magkaibigan kami ng tatay niya. Of course, I will give him a chance na makapag-apply bilang project development manager sa ating kompanya, pero kailangan niyang dumaan sa lahat ng proseso na kagaya ng ibang candidate," tugon ni Ben. "Naniniwala naman ako sa kakayahan niya. Gusto ko lang na makitang gustong-gusto niyang makuha ang posisyon." Kumunot ang noo ni Ben. "Sandali, why all of a sudden gustong-gusto mong

