---------- ***Javier’s POV*** - Dahil sa impormasyong ibinigay ni Lancelot Smith kay Boss Dylan, natuklasan na rin ni Titus kung sino ang anak ni Aurelio Russi—walang iba kundi si Vienna. Bagama't halata ang dugong banyaga ni Vienna, kailanman ay hindi namin inisip na maaari ito ang maging anak ni Aurelio. Siguro dahil sa tingin namin, para itong anghel—kabaligtaran sa ama nito. Nangangamba kami sa natuklasan namin, lalo na’t alam naming galit na galit si Boss Dylan kay Aurelio Russi. Alam naming may plano siyang maghiganti gamit ang anak nito. Na walang iba ay si Vienna pala. Ngunit sa halip na magalit, naging mas maalaga at mas sweet pa si Dylan kay Vienna matapos malaman ang katotohanan. Naguguluhan ako sa tila kawalan ng reaksyon ng aking boss. Na ipinagpasalamat naman namin nina C

