---------- ***Vienna's POV*** - Aminado akong takot na takot ako kay Dylan, lalo na't sobrang talim ng titig niya sa akin. Halos pigil ko ang paghinga nang makita kong lumalakad siya palapit sa akin. Gusto kong umatras at tumakbo palayo bago pa siya may magawang masama sa akin, ngunit pakiramdam ko'y parang may nakakadenang bakal sa aking mga paa, dahilan upang hindi ko maihakbang ang mga ito. Hindi pwedeng ganito. Alam kong nakakatakot si Dylan, pero hindi pwedeng lagi na lang akong natatakot sa kanya. Kailangan kong lumaban at manindigan. Pilit kong pinakalma ang sarili ko kahit na pakiramdam ko'y malapit nang lumabas ang puso ko mula sa dibdib ko dahil sa lakas ng kabog nito. Hanggang sa tuluyan na siyang lumapit sa akin, at sa isang iglap, hinawakan niya ako sa braso. Sobrang hig

