HM3: Iniligtas

1822 Words
------- ***Vienna’s POV*** - Hindi ako bayarang babae. Iningatan ko ang aking virginity para sa lalaking itinadhana ng Panginoon para sa akin—para sa lalaking mamahalin ko at mamahalin din ako. Hindi ako humuhusga sa mga babaeng kayang ibenta ang sarili para sa pera. Sariling desisyon nila iyon, isang desisyon na hindi ko kayang gawin para sa sarili ko. Kaya kailangan kong gumawa ng paraan upang matakasan ko ang masamang plano ni Dylan Saavedra sa akin. Hindi ko kayang makipagtalik sa isang lalaking hindi ko kilala, hindi ko mahal at isang mamatay-tao pa. "Magdesisyon ka na Vienna, hindi mo pwedeng pinaghihintay ang isang Dylan Saavedra. His time is like a billion to him, wasting even a second of it means you are indebted a lot to him." Ano bang klaseng tao ang Dylan na ito at kung makaasta siya, para bang pagmamay-ari na niya ang lahat? Na para bang kailangan mag-adjust ang lahat ng tao para sa kanya? Pero hindi ako. Hindi ako papayag na maging kasangkapan ng mapanganib na laro na siya mismo ang lumikha. Kailangan kong gumawa ng paraan. "B-Boss..." ani ko kay boss habang sapo ko ang puson ko. "Anong nangyayari sa'yo?" tanong ni boss. "Ang sakit ng puson ko, boss. Ang sakit talaga! Ahhh..." sumisigaw na ako habang hinawakan ko ang puson ko. Pero nagkukunwari lang ako. Hindi masakit ang puson ko. Ito lang ang naisip kong paraan para matakasan ang panganib na nag- aabang sa akin sa piling ni Dylan Saavedra. "Ang sakit!" umiiyak na ako kaya napalapit sa akin ang ilan sa mga kasamahan ko. Hindi pa ako nakuntento, nagkunwari pa ako na nahimatay. Sanay na akong gawin ang mga bagay na ito. Sanay akong umakting dahil kasali ako sa drama club noon. Pangarap ko talagang maging artista, pero sabi ng isang direktor sa akin, dahil daw sa mestiza ako at matangkad, maraming role na hindi nababagay sa hitsura ko. Hindi raw ganun kabagay sa akin ang maging artista, lalo na ang magportray ng mahirap at inaapi. Ang bagay daw sa akin ay maging isang beauty queen. Pero ayaw kong rumampa. Hindi din ako ganun ka- confident sa mga ganyan. Naramdaman ko ang pagkarga ng isang tao sa akin. Bahagya kong ibinuka ang mga mata ko upang malaman kung sino ang kumarga sa akin. Nakahinga ako ng maluwag nang nakita ko si Aljon, siya ang kumarga sa akin at inilapag ako sa isang kama. Isang bouncer sa night club si Aljon, siya ang madalas magligtas sa akin tuwing may customer na gustong bastusin ako. Magaan ang loob ko sa kanya dahil kaibigan ko siya. Nang nailapag na niya ako sa kama, agad kong ibinuka ang mga mata ko. "Aljon—" "Vienna, mabuti naman at nagising ka na. Ano ba talaga—" "Hindi naman talaga ako totoong nahimatay eh!" ang pag-amin ko dito. "Ano? Pero bakit? Bakit kailangan mong magpanggap? Alam mo naman na iba kung magalit si boss.” Halata ang pagkaalala sa tinig niya. "I need your help. Kailangan ko ng tulong mo, Aljon. Kailangan ko lang talagang makaalis ngayon din." Nakikiusap ang titig ko sa kanya. "Ano? Pero bakit?" Kunot-noo siya. Halatang nagugulo siya sa inasta ko. Napalunok muna ako bago magsalita. Natatakot talaga ako at parang natutuyo ang lalamunan ko dahil sa takot na nararamdaman ko. "Kailangan kong takasan si Dylan Saavedra." "Dylan Saavedra. God! Ano bang nagawa mo sa lalaking ito, Vienna? You don't know how dangerous he is. He is cruel and heartless. They said that killing people is just a natural thing for him, para lang siyang pumapatay ng ipis sa tuwing pumapatay siya ng tao. What did you do to him?" "He asked me in a private room, Aljon. I can't do it." Sandaling tumitig sa akin si Aljon, saka siya bumuntong-hininga kalaunan. "Fine, I'll cover for you, Vienna. Sasabihin ko na sinundo ka ng kapatid mo para dalhin sa hospital. Dyan ka sa likod dumaan. Mag-ingat ka, Vienna. Madilim ang eskinita na dadaanan mo at maraming tambay na naglalasing. Kung pwede pa lang kitang ihatid hanggang sa sakayan ay gagawin ko, pero baka magduda na si boss." "Salamat, Aljon. Don’t worry, kaya ko ang sarili ko. Mag-iingat ako." Inihatid muna ako ni Aljon sa likod na pintuan dahil nasa kanya ang susi dito. Nagpaalam din ako sa kanya agad nang tuluyan na akong nakalabas. Tama nga ang sinabi ni Aljon, madilim ang eskinita na dadaanan ko. Paliko-liko hanggang sa nakita ko na ang labasan. Pero hindi pa ito ang labasan kung saan pwede na akong makasakay, kailangan ko pang maglakad ng kunti. Hindi na ganun kakitid ang daan, pero madilim pa rin. Mayamaya lang, napayuko ako nang may tatlong lalaki akong nakasalubong. Bigla akong nakaramdam ng kaba sa mga ito. Wala sa plano ko na huminto sa paglalakad, pero hinarangan ako ng mga lalaking pasalubong sa akin. Kaya hindi ko napigilan ang mapatingin sa kanila. Sobrang pula ng mga mata nila, na parang mga adik. Pinalinga ko ang aking mga mata, wala ni isang tao sa paligid kundi kami lang ng tatlong ito, at hindi ganun kaliwanag ang lugar. "Pare, swerte natin, ang ganda nito," nakangising sabi ng isa. Hinagod ako ng tingin, saka napadila pa na parang natatakam sa isang masarap na pagkain. "A- Anong kailangan niyo sa akin? Padaanin niyo ako!" Aminado akong natatakot na talaga ako. Ang lakas ng kaba sa dibdib ko. "Paliligayahin mo muna kami bago ka makadaan dito sa teritoryo namin," nakangising sabi ng isa. Nagtawanan ang tatlong lalaki. Hindi ako dapat magpadala sa takot ko. Kailangan kong makalayo sa mga lalaking ito. Humakbang ako, pero hinarangan ako ng isa. Sa kabila ako humakbang, pero humarang din ang isa sa akin. Hindi ako makadaan dahil hinarangan nila ako habang nagtatawanan sila. Paulit-ulit kong sambit ang pangalan ng Panginoon. Hiniling ko na sana makawala ako mula sa mga lalaking ito at maligtas ako mula sa kapahamakan. Nanginginig na ako sa takot. Napaatras ako nang humakbang sila palapit sa akin. Kitang-kita ko ang matinding pagnanasa sa kanilang namumulang mga mata. Napatigil ako sa pag-atras nang wala na akong maatrasan. Nasa dead-end na kasi ako; isang sementadong pader ang nasa likod ko. "Hawakan niyo, ako ang mauuna dahil ako ang nakakita sa babaeng ito," nakangising sabi ng isa. Ginawa naman ng dalawa ang sinabi ng lalaki. Walang kahirap-hirap na nahawakan ako ng dalawa. Nagpupumiglas ako, pinilit kong makawala sa mga ito, pero malalakas ang mga ito at hindi ko magawang kumawala. Nagsisigaw ako, nag-iiyak na pakawalan nila ako. Natatakot ako, pakiramdam ko, ito na ang katapusan ko. Pero pinagtatawanan lang nila ako. Tuwang-tuwa sila sa ginawa nila sa akin. Ipinikit ko ang aking mga mata nang magsimula nang maghubad ang isa sa mga lalaking humarang sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko. Mayamaya lang, naririnig ko na parang may mga kaluskos at parang wala nang nakahawak sa akin. Kaya ibinuka ko ang mga mata ko. At sobrang panlalaki ng mga mata ko nang nakita ko ang tatlong lalaki na nakahandusay na sa lupa, duguan ang mga ito. Isang lalaki ang nakatalikod mula sa bungad ko, at alam kong siya ang nagpabagsak sa mga lalaking gusto akong gawan ng kasamaan. "No one is allowed to touch my kitten!" ani ng lalaking nakatayo. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko dahil sa takot nang makita ko ang hawak niyang baril at napasigaw ako nang binaril niya sa ulo ang tatlong lalaki. Mas lalo akong nanginig sa sobrang takot. Hindi ko lubos akalain na masaksihan ko ang ganitong karahasan. Agad naman siyang napaharap sa akin at mas lalo akong nakaramdam ng takot—takot na hindi ko na kayang ipaliwanag nang makita ko na naman ang kanyang mabangis na titig, na parang titig ng isang mabangis na agila. Gusto kong tumakbo. Gusto kong tumakas. Pero hindi ko man lang kayang ihakbang ang mga paa ko, sobra akong naninigas. Ang lakas ng t*bok ng puso ko nang humakbang siya palapit sa akin. Mas lalo akong napaatras at para na akong idinikit sa pader. Hanggang sa tuluyan siyang nakalapit sa akin. He is pinning me against the wall. Ang puso ko ay mabilis na tumibok sa dibdib ko, bawat beat ay umuukit ng takot na dumadaloy sa aking katawan. Ang malamig na pader ay dumidikit sa aking likod, isang malayo na kaibahan sa init na nagmumula sa kanyang katawan habang pinipiga niya ako laban sa pader. Ramdam ko ang lakas ng pagkakahawak niya, matibay pero hindi masakit, parang ipinapakita niyang may kontrol siya ngunit hindi pa rin ganap na gumagawa ng hakbang na makakasakit. Ang mukha niya ay malapit sa akin, ang hininga niya ay mainit at dumadampi sa aking balat. Hindi ko kayang alisin ang mga mata ko mula sa kanya, ang mga malalim at matalim niyang mata na para bang tumagos sa aking kaluluwa. Ang mga mata niya ay mapanganib, parang titig ng isang mabangis na agila at ako ay ang biktima na nahulog sa kanyang bitag. Mas lalo pa siyang lumapit sa akin, ang mga labi niya ay dumampi sa aking tainga habang nagsalita siya ng malalim at mabagsik na boses. "You're scared," he murmured, a hint of satisfaction in his tone. "Good. You should be. Escaping from me is not a good idea, kitten." His words sent a chill through me.  Ang lakas ng t*bok ng puso ko na parang may mga kabayo na nagkarera sa loob ng dibdib ko. "P- Pakawalan mo ako!" lakas-loob kong sabi sa kanya. "You owe me your life, kitten. What can you give me in return?" he said like a whisper, pero nagdulot naman ng panginginig sa akin. Nag-init na ang bawat sulok ng mga mata ko. "P- Please. J- Just let me go. I am just nothing, wala kang mapapala sa akin." Hindi siya nagsasalita, mas lalo niyang inilapit ang mukha niya sa leeg ko. I was overwhelmed with chills from his actions. It felt like my breath was caught in my throat from the intense fear. Yet, at the same time, a jolt of electricity seemed to surge through my body when I felt his lips on my neck, as if he were savoring my scent. "I love your scent, kitten." "Please!" pakiusap ko, nagsumamo ang titig ko. Mayamaya, tumunog ang cellphone niya, kaya bahagya niyang nailayo ang mukha mula sa akin, pero nakaharang pa rin siya sa akin. "Just make sure this call is important before I cut your throat." Nakikinig naman siya sa sinabi ng nasa kabilang linya. Dumilim bigla ang anyo niya at mas lalong tumalim ang mga mata, para bang hindi nagugustuhan ang sinabi ng nasa kabilang linya. Mabilis niyang ibinalik ang cellphone sa bulsa ng jacket niya saka napatitig na naman siya sa akin. Mas lalo akong kinilabutan sa kanya. "You need to sleep!" aniya. May ginawa siya sa akin na hindi ko alam kung ano, dahilan para bigla na lang magdilim ang paningin ko. Ang huli kong naramdaman ay ang pagsalo ng mga matitipunong braso sa katawan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD