PROLOGUE

516 Words
---------- "You can't marry her, Dylan!" walang pag-aalinlangan kong sabi kay Dylan nang kami na lang dalawa ang magkaharap. Nasa loob kami ng opisina niya. Lakas-loob akong sinundan siya dito. Kailangan ko siyang makausap. Kailangan niyang malaman ang tungkol sa kalagayan ko. Napatingin siya sa akin. "Who gave you the right to come here?" aniya, sa galit na tono. Right? Siya ang nagbigay sa akin ng karapatan na pumasok dito. Sabi niya, kung ano ang sa kanya ay sa akin, pero bakit nag- iba na ngayon. "Asawa mo ako, Dylan." "Shut up! You're not my f*cking wife. Tinatapos ko na ang kontrata natin," aniya na nagdulot ng sobrang sugat sa puso ko. "You can leave. Get out of my life." Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko. Sobra akong nasaktan sa mga sinasabi niya. Bigla na lang niya akong itinapon na parang wala akong halaga sa kanya, kahit maliit na porsyento lang. Ginawa ko ang lahat para mapasaya siya. Naramdaman ko naman na naging masaya siya, pero bakit bigla na lang naging ganito? Bakit bigla na lang nagbago ang pakikitungo niya sa akin? Bakit bigla na lang gusto na niyang umalis ako sa buhay niya? "Dylan, buntis ako." Nasambit ko. Gusto kong malaman niya ang kalagayan ko. Ayaw kong malayo sa kanya. Gusto kong piliin niya ako kaysa sa babaeng sinasabi niyang pakakasalan niya. Tanga na siguro ako, pero nasasaktan ako sa sinasabi niyang kailangan ko nang umalis sa buhay niya. Sobra akong nasaktan, parang pinipiga ang puso ko ng paulit-ulit. Dahil, katangahan man—pero mahal ko siya. Natutunan ko siyang mahalin sa kabila ng katotohanan kung anong klaseng tao siya. "What? What did you say?" "Buntis ako, Dylan. Please, take me. Kailangan kita. Kailangan ka namin ng anak mo." "Get rid of that baby!" "A-- Ano?" nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. "I said get rid of that baby!" "Pero Dylan, anak mo ito. Dugo at laman mo ito. Paano mo nagawang sabihin 'yan sa akin?" tuluyan nang napatulo ang luha ko. "I don't have a heart, remember? And I don't want my life to be bothered with a child," aniya, wala akong nakitang kahit anong emosyon sa mga mata niya. Nanghina ako sa narinig ko. Napaupo ako sa sahig dahil nawalan ako ng lakas na tumayo. Sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko habang nakatingin ako sa kanya. Umaasa ako na makakita ako ng kahit kaunting awa sa mga mata niya, pero wala—wala akong nakita. Matinding pagkasuklam ang nakikita ko sa mga mata niya. "Listen to me, Vienna. Power is more important to me. Ang pagpapakasal ko kay Khara ay mas magpapalakas pa ng kapangyarihan ko. Hindi ko hahayaan na may sisira dito, kahit na ang sinasabi mong anak ko. I won't let you and that child in your womb ruin everything that I worked for. So, get rid of that baby or I will be the one to get rid of it for you." ---------------- This is just a PROLOGUE, the next chapter happened before this part. Don't forget to drop your comment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD