--------- ***Third Person's POV*** - "Kahit anong mangyari, protektahan mo si Vienna. Binibigyan kita ng kapangyarihan para gawin ang nararapat, Javier. Kung kailangan mo akong patayin—kung ang tanging paraan para hindi ko siya masaktan ay ang pagpatay mo sa akin—gawin mo. Gawin mo kung ano ang kinakailangan." Paulit-ulit na umaalingawngaw sa isipan ni Javier ang mga salitang iyon, ang huling habilin ni Dylan bago ito muling bumagsak sa pagkakaalipin sa Padrino’s Kiss, ang droga na unti-unting sumisira sa kaisipan nito. Ngayon, nakatayo siya sa harap ng selda kung saan nakahiga si Dylan, mahimbing na natutulog dulot ng gamot na ibinigay dito upang hindi ito magwala. Pinagmasdan niya ito nang matagal, iniisip kung kailan bumagsak nang ganito ang lalaking minsang kinatatakutan ng marami

