----------- ***Vienna’s POV*** - Pinilit kong alisin ang aking mga mata mula sa matalim na titig ni Dylan, ngunit bago ko pa man nagawa iyon, malinaw kong nasilayan ang presensya niya kasama ang babaeng kahalikan niya kanina—at isang matandang lalaki. Bumibigat ang dibdib pero kailangan kong balewalain ito. Hindi ako dapat magpaapekto sa emosyon umaalipin sa akin sa sandaling ito. Sa kabila ng pagsisikap kong huwag pansinin si Dylan, mukhang hindi talaga ako tatantanan ng tadhana ngayong gabi. Parang lalo lang lumakas ang kaba ko nang mapagtanto kong kung saan kami palapit ni Emanuele. "Teka, saan tayo pupunta?" tanong ko, agad na huminto sa aking paglalakad nang mapansin kong tila papalapit kami sa mesa kung saan naroon si Dylan at ang kanyang mga kasama. "I'm sorry, I didn't tell

