----------- ***Third Person's POV*** - "Ano ang tungkol sa anak ni Aurelio?" Mariing nakuyom niya ang kanyang kamao. Malalaman na ba niya ngayon kung sino ang anak ni Aurelio? Kung sino ang hinahanap niya? Mariin ang titig ni Titus sa kanya. Hindi niya mabasa ang iniisip nito, ngunit malinaw sa kanyang mga mata ang tila pag-aalinlangan. Parang may bumabagabag dito, at hindi niya alam kung ano. "Nang mamatay ang asawa ni Aurelio matapos niyang isilang ang kanilang anak, may isang taong nagnakaw sa sanggol mula sa ospital. Ayon sa mga natipon kong impormasyon sa aking imbestigasyon, isa sa mga tauhan mismo ni Aurelio ang kumuha sa bata. Ang utos ay nagmula kay Aurelio mismo—isang hakbang na ginawa niya upang burahin ang pagkakakilanlan ng bata bilang kanyang anak. Ginawa niya ito hindi

