50th Scandal "Pumasok na kayong dalawa sa loob, mag-uusap usap tayo." Malamig na turan ni 'tay. Alam kong galit siya at masama ang loob dahil sa tono ng boses nya. Mahina akong naglakad papunta sa loob, hindi ko magawang huminga kapag sumasagi sa isip ko ang sinabi ni Violet. Buntis siya at si Layron daw ang ama. Ayokong mangyari pero posible. Nung mga panahong galit sa'kin si Layron ay nagkaroon si Violet ng pagkakataon para mapasakanya si Layron. Hindi ako pwedeng magkamali, kitang kita yun ng dalawa kong mata. Maamong maamo ang mukha ni Layron ng umupo siya sa harap ni 'tay. Magkatabi kami at ramdam ko ang pangangatal ng kamay nya. Gusto ko siyang tanungin kung may nangyari ba sa kanila ni Violet pero nanatili akong tahimik. "Totoo ba ang sinabi nung babaeng pumunta dito Layron?" ga

