48th Scandal

1533 Words

48th Scandal "Pagkatapos nuon ay ito naman ang labhan mo," Utos ni tatay kay Layron. "Naiintindihan mo?" "Opo 'tay." sagot ni Layron. Nakaupo si Layron sa isang bangko habang naglalagay ng sabon sa planggana. Gusto ko siyang tulungan pero binalaan ako ni 'tay na hindi pwede at kung hindi ako susunod ay pauuwiin na nila si Layron sa Maynila. "Marunong ka ba?" nag-aalala kong tanong. Hindi naman kasi natural para sa mga lalaki ang naglalaba. Dito sa probinsya ay gawain yun ng mga kababaihan dahil ang mga lalaki ay nasa bukid para mag-ani ng tanim. "Hindi pa masyado, pero alam ko naman ang gagawin dahil binigyan ako kanina ng demo ni 'nay. Wa'g kang mag-alala, kayang kaya 'to." Kung mag-asawa na kami ni Layron ay hindi nya naman gagawin ang maglaba dahil ako ang gagawa ng gawaing yun.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD