45th Scandal Nakaupo ako sa isang sofa at kaharap ko ang buong angkan ng mga Dominguez. Nakangisi si Lewis kahit sobrang kabado ako sa sitwasyong kinakalagyan ko. Kaharap ko din ang dalawa pa nilang kapatid. Seryosong seryoso sila habang nakatingin sa akin. Paglabas ko sa condo ni Lewis ay uupakan ko talaga siya, kaya niya pala ako pinapapunta dito. Akala ko pa naman ay may sasabihin siyang importante, yun naman pala ay kakausapin ako ng Dominguez Clan. Pasimple kong pinunas ang pawis na tutulo mula sa noo ko. Nakatingin sila sa'kin ng diretso at kulang na lang ay hindi na sila kumurap lalo na ang Mama at Papa ni Layron. They look are so intense. "Ija, bakit hindi ka humingi ng tulong sa'min?" Medyo disappointed na tanong ni Tita. Ako naman ay napakunot ang noo. "Ano pong ibig nyong sa

