40th Scandal Three days after, hindi pa rin ako nakakamove-on sa kahihiyang sinapit ko. Dahil na rin dun ay nagdesisyon akong umalis na sa kwarto ni Layron at bumalik na sa kwarto namin nina Gail. Nagtataka sila sa pagbalik ko pero hindi na nila ko inusisa pa ng mga tanong. Ayoko rin namang ikwento sa kanila ang kahihiyang sinapit ko sa bahay nina Layron. Nuong nahuli kami sa akto, nakangisi lang ang tatlong kapatid ni Layron pero si Tita ay hindi makaget over at muntik pa atang himatayin dahil sa pagkabigla. Hiyang hiya ako kahit sinabi niyang ayos lang naman yun dahil mas malakas ang panawagan ng aming mga hormones. Hindi na ako nakatiis nun at pasimple akong nagsabi kay Layron na umalis na kami. Hindi naman siya nagtanong kung bakit kaya agad rin siyang nagpaalam. Medyo badtrip pa sa

