30th Scandal "Nagsabi si Gail sa'kin na hindi ka raw umuwi kahapon, saan ka ba nagpunta?" galit na tanong ni Layron pagkadating na pagkadating ko pa lang ng school. Sa totoo lang ay wala pa akong nahahanap na malilipatan, ang mga gamit ko ay pinahabilin ko muna sa guard house. Sa park na din ako nakatulog kahapon. Ganun pala kapag broken hearted, parang wala ka ng pakialam sa mundong ginagalawan mo. Ni hindi ko nga naisip kahapon na baka may mang-rape sa'kin e. "Ano? Bakit hindi ka sumasagot dyan?" Pulang pula na sya at para bang konting inis pa ay puputok na ang mukha nya. "Pagod ako Layron. Wa'g mo muna kong kausapin." "Paanong hindi ka kausapin? Hindi mo alam kung gaano mo ko pinag-alala kagabi. Hinanap kita kung saan saan pero hindi naman kita nakita, wala akong tulog dahil sa'yo

